Archive for Disyembre, 2008

h1

Happy Crying Cow!

Disyembre 31, 2008


Kung may bago man sa taong darating
Huwag mo na lang itong problemahin
Dahil sa gitna ng mga bagay na hindi mo alam
Ay mga bagong pangarap na iyong bubuksan, kaibigan.
Rashid
01/01/09
1:30 a.m.

***

Isang taon na naman ang natapos, “Goodbye, 2008,” ika nga ng iba.  12:30 a.m., katatapos lang ng muli’t muling pagbutas sa ozone layer dahil sa mga paputok (huy, concern, may ChinChin-Gutierrez Syndrome), at habang iniisip ko kung kailan namin mauubos ang nilutong pagkain ni Mama na nakahain sa kanyang mesang may bagong tablecloth (na kinantsawan kong panahon pa ni Rizal nang magawa ang disenyo), naisipan kong magsulat ng blog entry.  Sabi ko sa sarili ko, “Magandang salubong sa bagong taon”.

***

Maniwala kayo, ilang beses na akong sumubok sa linggong ito na sumulat ng aking “Yearender report”, tipong kung anu-ano ang mga nangyari sa taon na ito, pero wala talaga.  January pa lang ang nire-review ko ay hindi ko na alam kung anu-ano ang mga nangyari.  Iniisip ko nga, kung relihiyoso akong tao, malamang may naikwento pa ako kung paano kami nagsimba sa “Pista ng Tatlong-Haring-Nagsidalaw” (Feast of the Three Kings).  Pasensya naman.

Bago mag-bagong taon, kani-kanina lang, malaki ang problema ko sa mga paputok at sa mga nagpapaputok na kapitbahay.  Masaya akong nanonood ng Spiderman 3 at Pirates of the Caribbean Marathon (nang sabay), at dahil sa mga paputok ay hindi ko maintidihan ang mga pipanood ko (kahit napanood ko na dati ang mga ito).  Malaki din ang naging problema ko sa pag-iisip sa iba pang pwedeng ipangalan sa paputok na kung tawagin ay “Crying Cow”.  Ang ibig kong sabihin, hindi naman umiiyak ang baka.  Hinding-hindi! [Galit ba ako?]

Nagngungunguyngoy at nag-iingay lang ang isang baka kapag:

  1. gutom
  2. may nakitang sesking baka
  3. may nakitang machong baka
  4. may nakitang macho pero naka-false-eyelashes na baka
  5. kinakatay
  6. malapit ng katayin
  7. inakalang kakatayin kaya nagpa-panic
  8. kinatay na pero buhay pa rin

PERO hindi nagka-cry ang baka.  Period.

Mga naisip kong pwedeng ipangalan sa paputok na “Crying Cow”:

    1. Moaning Cow
    2. Mating Cow
    3. Cow Dying
    4. Almost-Dying Cow
    5. Cow at the Slaughterhouse
    6. Cow Just Making White Noise
    7. Seems-like-crying Cow
    8. Not Cow

***


Habang pinipilit kong maging mushy sa kadarating lang na bagong taon at balikan ang isang taon ng animo’y pakiki-“baka” (hindi sinadyang correlation sa Crying Cow) sa buhay, hindi talaga ako mapunta sa punto na kung saan nakakaramdam ka ng “warm fussy feeling” (translation sa Filipino, “naiihi”).  May natanong pa nga sa akin kung ano daw ang New Year’s Resolution ko, na para bang hindi magba-bagong-taon hanggat hindi ako makaisip ng bagay/ugali na gusto kong baguhin sa taong darating.

Ang akin lang, hindi ko kailangang hintayin ang bagong taon para lang subukang magbago; ang akin lang, ang pagbilang sa taon ay parang paghihintay lang kung kailan ilalabas ang mga promo cards sa Starbucks para mag-ipon ng stickers at makuha ang kapangit-pangit na “coming year’s planner”.  Sa totoo lang, ayaw ko ng ka-lechehang New Year’s Resolution.  Hindi kailangang may baguhin ako sa sarili ko para lang abutin ko ang aking mga mumunti (at malakihang) pangarap.  Ako ay ako, ano mang taon, oras, o minuto. (Wow, profound!)

***

May ilang mga kaibigan ang nagpasalamat sa isang taon na naman ng pagkakaibigan.  Kapag may mga ganung mensahe kang natatanggap, naiisip mo na lang, “Shet, ang mushy, pero totoo.”

May ilang humihingi ng kapatawaran para sa mga nagawang pagkakamali sa taong lumipas.  Hindi po ako si Jesus Christ or any religion god, for that matter. “Laing up.” [Lighten up by Juliana Palermo]

May ilan ang sa bagong taon na ito ay gusto mong lubos na makilala.  May ilan na sa taon na ito ay marahil iyo ng makikita.  May ilan na kahit noong nakaraang taon ay hindi mo pa nakita.  May ilan, gaya ko, ay masayang sinasalubong ang bagong taon na may ngiti at saya.

***

Happy Crying Cow!


Advertisements
h1

Bored against the machine-gerzy

Disyembre 18, 2008

6,000+ bloghits.  Salamat sa mga nagkakamaling nagki-click ng blogsite link ko.  Matututo rin kayong magbasa, tiis-tiis lang. –  The Sungkamaster

***

Ako, ikaw, bored tayo,

Ang bagong laro bago mag-Pasko,

Ang mahuli, taya; ang mauna, madaya,

Sama-samang tuklasin ang lihim,

Kung bakit gaya mo, bagot na rin ako.  🙂


***

Katatapos ko lang maghanap ng costume para sa madugong Christams Party mamaya na Retro 70’s ang hirit.  Hindi ko alam kung magugustuhan ang isusuot ko ng ibang tao;  ang importante ay magustuhan ko ito.  Hindi naman ako ganun ka-excited sa party.  Wala namang malalaking sopresa at mga papremyo.  Ang siste ay bored lang ako.

Ilang obserbasyon ng mga kaibigan/mahal sa buhay (meaning, si mama) ng mga sinyales na bored ako:

1.  Lagi akong may pinapadalang text messages.

Hindi ako ang tipo ng tao na nag-gu-good-morning kesehodang nakapagkape na ako at hindi na akong mukhang zombie.  Madalas, kahit nasa opisina na ako at nasa aking regular newsreading sa Internet ay hindi talaga ako mag-te-text para bumati ng mga tipong “have a hearty breakfast po.”  Pero sa mga nakalipas na araw, kahit ano tine-text ko;  “antok ako”, “kamusta”, “good mownin”, “gusto ko ng 2 million dollars”, “gusto ko ng panda bear”, “nasa baguio ka pa ba?   Ibili mo ng ako ng sungka.”

2.  Matapos ang trabaho, ayaw kong umuwi ng bahay.

Dahil hanggat maari ay pinipiligilan kong magbabuy-babuy sa tulog at kain sa bahay dahil sa nalalapit na “Calorie Week” kung saan lahat ng tao ay lulusog, hindi ako agad umuuwi.  Kaya lang, ang problema, hindi rin pala nakakatulong ang paglalagi sa labas.  Una, mas marami kang nakakain kapag mahal ang inorder mong pagkain (at hindi lutong-bahay at libre gaya ng sa bahay); pangalawa, hindi nakakapayat ang Tarbaks (Starbucks).  Dumarating na rin sa puntong ite-text ako ni Mama mga bandang alas-sais ng gabi, “Yan, sa bahay ka kakain?  Magluluto pa ba ako para sa iyo?”

3.  Pag-uwi ko ng bahay, hindi rin ako matutulog.

Kahit madaling-araw pa ‘yan, kahit na alas-otso ng umaga ang pasok ko sa opisina, hindi talaga ako natutulog kaagad.  Kahit mga pito-pito movies na lang ang pinapakita sa TV (gaya nung huling nakita ko na bulag daw si Belinda Bright [‘di sikat na boldstar dati] at asawa niya si Albert Martinez at marunong mag-violin si Joel Torre] o kahit ‘yung tipong Parental Consent at rerun ng Family Guy at MadTV na lang ang nasa TV, at kahit antok na antok na ako, hindi talaga ako matutulog.  Sa sobrang bored ko, kahit alas-tres ng umaga at may gustong “makipagkwentuhan” na “barkada”, ayos lang.

4.  Maaga ako sa opisina.

Kapag matamlay ang buhay ko (at least karamihan sa aspeto nito), maaga ako sa opisina.  Napagtitrian ko rin ang magbihis na parang mag-ni-ninong sa kasal at lahat ng makakita sa akin sa opisina ay animo’y gustong itanong sa akin, “Saan ka pupunta, bakit bihis na bihis ka?” o ‘di kaya ay “Birthday mo?”

5.  Mukhang bodega ang kabinet ko.

Hilig ko ang ayusin ang mga gamit ko, tipong pagsama-samahin-ang-pare-pareho mode.  Kaya lang kapag bored ako, ayaw kong mag-fold ng clothes. (Ang arte lang.)

6.  Nagyayaya akong gumimik sa Manila.

Palibhasa’y naging probinsiyano na ako ulit ng umuwi  ako ng Pampanga matapos tumira sa Mandaluyong ng dalawang taon, kailangan ang biyahe para makita ang mga barkada at mga naging kaibigan sa Manila.  Kaya lang, may sakit ako ngayon.  May kung ilang araw na akong nilalagnat at inuubo.  Para akong si Penn Medina sa isang drama na kunwari isa siyang matandang may sakit.  Ang kagustuhan kong gumimik at makipagkita sa mga Maynilains (friends from Manila) ay isang paraan ko na rin upang makahanap ng ibang mapaglilibangan.

7.   Nakakatapos ako ng isang series ng TV show (care of pirated DVDs) sa isang upuan lang.

Hindi normal ang manood ng mahigit sa walong oras sa panonood ng DVDs.  Kailan lang ay natapos ko ang Heroes: Villains (Season 3) ng isang upuan lang.  Halos matapos ko rin ulit panoorin (sa pangalawang pagkakataon) ang Season 1 ng Will & Grace.

8.  Mabilis akong mag-reply sa text.

Ganito kasi ‘yan.  Kahit ipon ako ng ipon ng sandamakmak na ringtone eh lagi naman naka-silent ang cellphone ko.  Dala marahil na lagi akong nasa meeting at/o napipikon ako sa mga maiingay na cellphone, eh naka-silentcellphone ko.  Ikaw na naka-silent ang phone, bored ka talaga kung hawak mo ang cellphone mo at hinihintay na may mag-text sa iyo. ang

9.  Hindi pa tapos ang linggong ito, nakaka-tatlong blog entry na ako.

May mga panahon na mga tatlong linggo akong wari’y comatosed at hindi nagpaparamdam  sa aking blogsite.  Walang maisulat, probably; sira ang laptop, probably; “nakikipagkwentuhan”, probablyPero, dala nga ng walang magawa, kahit wala naman talaga akong topic for tonight, heto ako’t sinusulat ang pangatlong blog entry ko na sa linggong ito.

10.  Lahat pinapatulan ko.

Kanina lang ay nakita kong inaayos na ang stage para sa gaganaping malakihang Christmas party sa opisina.  Kasama ang kaibigan kong si Otu, niyaya ko siyang tingnan ang stage; tiningnan, umakyat ng stage, nagpanggap na iniinspeksyon ang stage, umalis ng stage.

Tapos may nakita akong nakakalat na papel sa table niya pagbalik namin ng opisina.  “Ay, paper, proofread ko noh, ” sabi ko kay Otu.  Binasa, inedit, at ibinalik ang papel.  Umupo si Otu sa kanyang desk at iniligay ang mga corrections sa computer.   Pinatugtog ni Otu ang kantang “What kind of fool” ni Regine habang nag-e-edit siya.  Pinanood ko siya at nakialam na rin sa pag-e-edit habang kinakanta namin ang pinapatugtog ng computer.  Hindi namin namalayan na limang beses na palang kumakanta si Regine.  The end.

11.  Wala ng number 11.  Hindi na ako bored.  Yata.

***

Afterword mula sa aking bunsong kapatid na nagpapataba sa Europe:

“Kung si Kuya nga mayabang; ako pa kaya.”


h1

Kawang-gawa para sa nalalapit na Pasko

Disyembre 16, 2008

Sa loob ng dalawang linggong walang matinong magawa sa bahay dahil tinopak si Andrew (the home-based laptop) at dahil sa loob din ng mga panahon na iyon ay natunaw yata ang yelo sa Northpole at bigla na lang lumamig ng sobra, naging abala ako sa pag-iwas sa pagkakasakit.  Hindi rin ito naging matagumpay.

***

Maya’t maya ang pag-te-text ng mga kaibigan tungkol sa kung anu-ano.  Sa kabilang banda naman, “sala sa init, sala sa lamig” naman ang mga nagpapahiawatig na gusto akong “syotain”.  Nakakailang Strepsils na ako pero parang may gagamba pa rin sa lalamunan ko.  Tuloy ang yosi.  Tuloy ang buhay.  Tuloy ang walang katapusang paghahanap ng matinong mapaglilibangan maliban sa paghahanap ng mga nakakatuwang wallpaper.

***

Nakakahiyang dinatnan ako ni Mama na naluluha sa naging tribute ng SOP Rules sa namayapang si Marky Cielo.  Ang akin lang, it felt like i was watching an episode of Maalala Mo Kaya.  At bakit ako nag-i-Ingles?  Why?  Why?  Tell me! lol

***

Kailangan ko ng mag-shopping, promise.  Hindi ko alam kung bakit, pero I feel na kailangan na.

***

Ang mga nagustuhan ang pelikulang Twilight ay mga taong dapat sinusunog ng buhay.  Ang pelikulang Twilight ay malaking insulto sa talino ng kahit sinong tao.  Pero naisip ko rin na kapag ginawa ito, iilan na lang ang matitira sa mundo, sayang naman.

Mga ilan sa nakakatuwang ads para sa pelikulang/mga librong Twilight.

“Let’s sex” pala eh.. hahaha


***

Ang mga taong nababahala sa “traffic jam” ng mga text messages sa Pasko at Bagong Taon ay kailangang mag-lighten-up.  Mga tsong, isang araw lang ‘yun,’wag OA.

***

Dahil sa sinasabing “recession” sa US economy, akala ng karamihan ay may karapatan na silang magpahayag ng kanilang mga opinyon tungkol sa kahirapan ng buhay at tungkol sa kalagayan ng Estados Unidos.  Kuya, tiis-tiis lang sa Taiwan, kaya mo ‘yan, sawa na sina Mama na bigyan ka ng ikabubuhay.

***

Kung mga 60 years old ka na at may lakas ka pa ang loob na kumanta ng kantang, “Next In Line” ng After Image, kudos for you, Manong.

What has life to offer me/When i grow old”

(Hmmm.. RAYUMA PO?)

“What’s there to look forward to/beyond the biting cold”

(Hmmm..UNAVOIDABLE DEATH?)

“So i sing this song to all of my age”

(AT THE GOLDEN ACRES?)

“For these are the questions/We’ve got to face”

(KUNG SINO MAG-AALAGA SA INYO SA DEATHBED NIYO?)

“For in this cycle that we call life/We are the ones who are next in line.”

(NEXT IN LINE, OO NAMAN! lol)


h1

Ang pagbabalik ng kwento ng AMbogRaw…

Disyembre 15, 2008

Masaya akong nanonood ng Andrew Zimmern’s Bizarre Foods 2 sa Travel & Living Channel kani-kanina lang ng guluhin ako sa text ng kaibigan kong si Umay (na sumandali pa ay sinamahan na rin kami ng isa ko ang kaibigang si Toshi, the model):

Umay:  Si Billy Elliot itong cute guy sa Kingkong?

Me:  ‘Yung nagsasayaw na bata?  Parang ‘di ko kilala si Billy Elliot..haha [‘di ko talaga alam nun, promiseI mean, hindi ako sigurado.]

Umay:  Siyang tunay!  Kamukha kasi ni BIlly Elliot (ang batang nagsasayaw) itong nasa Kingkong.

<pause>

It is safe to assume na:

1.  Nanonood siya ng Kingkong noong mga panahon na iyon.

2.  Kung anong version ng Kingkong, hindi ko talaga alam, peksman.

3.  Sarcasm ang huling text niya.

Ayon sa Answers.com:


“Billy Elliot is a 2000 film written by Lee Hall and directed by Stephen Daldry. Set in the fictional town of ‘Everington’ in the real County Durham, it stars Jamie Bell as 11 year old Billy, an aspiring dancer, Gary Lewis as his coal miner father, Jamie Draven as Billy’s older brother, and Julie Walters as his dance instructor. The film was inspired, in part, by A.J. Cronin’s novel, The Stars Look Down, which similarly focuses on an English mining community in the midst of a strike, as well as on a miner’s son who breaks away from tradition in forging his own path.[1]

Tagline: Inside every one of us is a special talent waiting to come out. The trick is finding it.”

<play>

Toshi:  Baka si Missy Elliot ‘yan, medyo hawig naman siya kay Kingkong at sumasayaw din siya.  Siya ‘yun [Kingkong], si Missy.

Me:  May bata ba sa Kingkong?

Umay:  May bata sa Kingkong.  Si Billy Elliot nga! Hahahaha

Me:  Anong Kingkong?  ‘Yung nandun si Jack Black?

Umay:  Yup! Naalala mo na?

Me:  Parang walang bata dun.. 🙂

* At doon natatapos ang walang kakwenta-kwentang usapan tungkol kay:  a.  Billy Elliot, ang batang nagsasayaw; at b.  Kingkong, ang kamukha ni Missy Elliot na nagsasayaw din parang si Billy Elliot.

***

Kanina naman lunchtime, sa canteen kasama ang kaibigan kong si Otu (friend/officemate/kasama ko sa “Paano Lumipad Series”), si Tita Violi (nanay-nanayan ni Otu), si Dan at tatlo pang kagaya niyang “practicumers” sa opisina, masaya kaming kumain ng tanghalian hangang sa mapunta ang usapan sa kung anu-ano ang pinapanood namin lately sa TV.

Otu:  Basta ako naku-kyutan ako doon kay <insert name here> ng Pinoy Fear Factor.

Me:  Hiiiiii.. Ayaw ko dun.  [Tapos nagngunguyngoy ako ng pagkadami-daming panlalait tungkol sa show na para bang may napanood na akong episode.]

Otu:  Basta I think ‘yung isang contestant dun bading.

Me:  Lagi namang may ganung “factor”. hahahahaha  Well, ako nanlalait ng pinapanood niyo eh kahit super ka-cheap-an na Dyosa pinapanood ko pa rin, at hindi ko alam bakit.  Naka-dubbed na boses ni Sam, laging may nursery rhyme na spell kuno, at nakakahiya na si Jaclyn Jose sa pagsubok na magpatawa, pero pinapanood ko pa rin.

Otu:  Basta ako, Encantadia pa rin ako!  Walang tatalo dun.  You know, how they established ‘yung four kingdoms.

Me:  uh-huh.

Otu:  Tapos ang galing-galing ni Johnny Delgado dun.


Me:  Johnny Delgado?

Otu:  Yes.

Me:  Johnny Delgado?  (Kunot-noong nagtatanong)

Otu:  Yup.  ‘Yung parang king siya dun tapos mayroon siyang.. (tapos sinyal lang ng sinyal si Otu ng parang sungay sa ulo.)

Me:  You mean sungay?

Otu:  Yes!

Me:  Ay, baliw, Kamandag ‘yung sinasabi mo.

Otu:  Hindi.

Me:  Sira, si Johnny Delgado mukhang ram sa Kamandag.  Remember?  Am-BOG-raw.

<pause>

Na-blog ko na dati ang Kamandag at patungkol sa nakakatawang acting ni Zoren Legaspi, na kung mag-pronounce ng salitang “Ambograw” ay parang si Gus Abelgas ng SOCO show sa Channel 2.

Ang Kamandag ay hindi rin naman malayo sa Encantadia, just imagine Encantadia tapos taong-hayop lahat ng tauhan.

<play>

Otu:  Ay, oo nga pala.

(Tawanan lahat na parang TGIS barkada)

Dan:  Oo nga, Otu, Kamandag ‘yun.

Otu:  Ah basta, gusto ko pa rin ‘yung Encantadia.

Dan:  Ako man.  Favorite ko sa Encantadia ‘yung mga cats.


Me:  Kamandag pa rin ‘yun, hayup!

(Tapos tawanan TGIS style ulit.)

***

Pahabol na text question kani-kanina lang:

Lamey (friend):  Babe, what’s the teleserye na kasama si Jean Garcia then super maarte siya?

Me:  Impostora.

Lamey:  Oh mg gaa..  Thanks, Babe.. Namatay na ako sa kakaisip.. 🙂


***

Andrew, my home laptop, is okay na, pwede na ulit mag-blog ng maayos. hehhee