Archive for Marso, 2010

h1

Mga nag-su-suicide dahil nabu-bully

Marso 31, 2010

Ang Tulendoy of the Week ay iginagawad bilang parangal sa isang tao/grupo/pangyayari na nakapagpamalas ng katangi-tanging “katulenduyan” sa linggong ito.

***

Bilang parangal sa mga pinag-iisipan na magpakamatay dahil nabu-bully; sa mga piniling mag-suicide na lang at sumuko ng tuluyan; at sa mga tinapos ang mga sariling buhay dahil lang hindi makayanan ang pag-aalispusta ng iba.

Naibalita ang pagpapakamatay ng isang estudyante dahil ‘di umano’y hindi na nito nakayanan ang pambu-bully sa kanya ng mga kanyang mga kaklase.

Ang akin lang, kailanman ay walang dahilan para magpakamatay ang isang tao; hindi dahil utos ito ng Bible, pero dahil malaking kamangmangan ang magpakamatay.  Masarap mabuhay, sa ano mang sitwasyon o kalagayan.

Ang akin lang, madaling isisi sa mga nam-bully sa nasabing estudyante ang nangyari.  Marahil ay sumobra ang mga ito sa pag-aalispusta sa kanilang kaklase, pero hindi ito dahilan para magpakamatay.

Ang akin lang, madaling makisampitiya sa mga naiwan ng estudyanteng nag-suicide; ang makisali sa kung anu-anong kagaguhang kumokondena sa pambu-bully; ang makisawsaw sa mga panawagan na parusahan ang mga nam-bully sa estudyante.  Pero ang tanong, sino ba ang nagpakamatay? Sino ba ang nagpatunay na sa mga panahon na wala kang magawa sa isang bagay, ang dapat gawin at kitlin ang sariling buhay?

Ang akin lang, kung sisihan lang din ang pag-uusapan, dapat sisihin din ang mga magulang ng nasabing estudyante, sampu ng mga kaibigan/kaanak nitong hindi man lang siya nabigyan ng lakas at dahilan para lumaban o mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay.

Ang akin lang, hindi ako naaawa sa mga nagpapakamatay. At habang hindi ko rin naman iniisip kung sa impyerno ang bagsak nila (kung meron man), iniisip ko rin na marahil hindi nabibilang sa mundong ito ang mga pinipiling talikuran ang buhay dahil lang hindi nila magawang ipagtanggol ang kanilang sarili.  Hindi naman mahirap ang mabuhay sa mundong ito.  “Chicken feed”, sabi nga nila.

Bilang napiling Tulendoy of the Week, lahat ng nag-iisip na magpakamatay ay padadalhan ng scented stationery na may kasamang mamahaling ballpen (para sa suicide note) at limang metro ng extra-strenght na lubid (para sa tuluyang pagpapatunay na isa ka ngang dakilang tulendoy).*

h1

Mga Taong Hayok sa Nipple ni Anne Curtis – Tulendoy of the Week

Marso 26, 2010

Ang Tulendoy of the Week ay iginagawad bilang parangal sa isang tao/grupo/pangyayari na nakapagpamalas ng katangi-tanging “katulenduyan” sa linggong ito.

***

Bilang parangal sa mga walang kasawa-sawang naghahanap ng pictures at videos ng lumabas na nipple ni Anne Curtis sa isang show sa TV; sa pagpapatunay na ang isang nipple (ng isang artista) ay maaring magdulot ng isang pambansang kaguluhan; at sa pagpapatunay na sa panahon ng El Niño, panahon ng national elections, at kung anu-ano pang malalaking isyu sa bansa, nipple lang ni Anne Curtis ang katapat.

Ang akin lang, nipple lang ito, mga kaibigan.  Hindi ko lubos maisip kung anu-anong kamunduhan ang ginagawa ng mga tao dahil dito, o mali ba ako at ito lang ba ay isang curiosity na kailangang pagbigyan? Ang nipple ni Anne Curtis ay ikamamatay mo kapag hindi mo nasilayan?

Ang akin lang, hindi ko ginustong malaman ang isyu na ito (pati na rin ang aking boss na naturete na rin yata sa mga tsismisan sa opisina patungkol sa nipple ni Anne Curtis, na sa sobrang naasar ay nung makita ko ay tinanong ako, “Ano ba nangyari sa nipple ni Anne Curtis?”).  Laman ng Internet, TV, at mga pahayagan ang nangyari.  Ayaw mo man itong malaman ay pilit na dinedetalye (pero hindi pinapakita ang pictures) dahilan para mag-umpisa kang mag-imagine ng tunay na nangyari.  Hindi sa malisyoso, pero may mga balitang parang pinapalabas na nabastos itong si Anne Curtis, na animo’y kasalanan ng taong-ayan ang paglabas ng isa niyang suso.

Ang akin lang, suso lang ito, mga tsong, move on.  Gusto ko tuloy isipin na wala na yatang silbi ang mga porn ngayon para ibsan ang lumilitaw na pangangailangan ng lahat sa simpleng tawag ng laman (o ang madaling dahilan na “curiosity”).

Bilang napiling Tulendoy of the Week, lahat ng mahuling naghahanap sa nipple ni Anne ay bibigyan ng picture ni Anne Curtis kasama ang unang katambal niya noong late ‘90s, (at hindi na yata nag-aatista) si Chubi Del Rosario.  Sa nasabing picture, yakap-yakap ni Chubi Del Rosario si Anne Curtis na animo’y pinoprotektahan ito sa sino mang gustong sumilip sa kanyang mga suso.  Enjoy.*

h1

Si Tito Masungit at ang graduation medals

Marso 25, 2010

Kamakailan ay nag-graduate bilang isang kindergarten ang aking nag-iisang pamangking babae na si Jaja (anak ng Kuya kong matagal-tagal ko na ring hindi nababanggit at nakikita dahil nasa ibang bansa).  Dinaluhan ang nasabing graduation ng excited pa sa mag-ga-graduate na lola at lola nito (Adelaida and Dyisas Senior), kasama ang aking Sister-in-law.

Matapos ang graduation, syempre magkukwento ang aking makwentong nanay na si Adelaida (kahit ayaw ko naman talagang makinig; no choice kumbaga).

Adelaida:  Hinahanap ni Jaja ‘yung tito niya.  Bakit daw hindi pumunta si Dyisas Junior.

(meaning, hindi ako; ‘yung bunso ang hinahanap)

Rai:  Eh ako, hindi niya hinanap?

Adelaida:  Hindi.  Sabi pa nga niya, “Hmmp!  Ayaw ko kay Tito Yanyan, masungit ‘yun!”

Rai:  Sinabi niya ‘yun?! (kunwari galit)

Adelaida:  Natawa nga kaming lahat ng sabihin niya ‘yun eh.

Rai:  Tito masungit pala ah!  Sabihin mo sa kanya, wala ng Jollibee ‘pag pumasyal siya dito.

Para sa kaalaman ng marami, ang tawag sa akin ni Jaja kapag binibigyan ko siya ng pera at/o dinadala sa Jollibee (ayaw talaga nila ng Mcdo, ‘di ko alam bakit) ay “Daddy Yanyan”.  Apparently, kapag hindi ako nanlilibre, nare-reduce ang role ko bilang “Tito Masungit”.

Adelaida:  Hindi man tinapos ni Jaja ‘yung graduation niya.

Rai:  Bakit?

Adelaida:  Eh mainit daw.

Rai: Ah.

Adelaida:  After isabit ‘yung mga medals niya, umalis na kami.  I-Jollibee ko raw siya.

Rai:  Medals?  May ganun ba ‘pag kinder?  Parang honor student, ganun?

Adelaida:  Hindi naman.  Saka lahat naman ng kaklase niya may medals.  Lahat binigyan.  Si Jaja, may nakuhang dalawang medals.

Rai:  Ilan ba sila sa klase?

Adelaida:  Mga 20.

Rai:  So, parang best in something something ang dating?

Adelaida:  Oo.

Rai:  Anong subjects ang nakuhang niyang medals.

Adelaida: Naku, ‘pag  ganung level, wala pang subjects.

Rai:  Ma, meron na.  Ano ngang subjects?

Adelaida:  Kung sa bagay, ‘yung isa niyang klasmeyt, nakakuha ng best in Math.

Rai:  Ano nga ‘yung dalawang medals?

Adelaida:  (Matagal nag-isip) Hmmmmm.. ano nga ba ‘yun? Best in grooming at most trustworthy.

Rai:  Anak ng tilapia! ‘Yun ang medals niya?!  Pinaka-mabango sa klase at pinaka-huling taong pagbibintangang nagnanakaw ng eraser?  Pambihira!

Adelaida:  Si Tito Masungit talaga.*

h1

Cesarian Section Procedure (isang masusing pagtalakay)

Marso 25, 2010

Hindi ko inasahan na sa araw na ito ay may mapupulot na naman akong bagong kaalam kay Mama kasama ang kanyang barkadang madalas kong tawaging “Desperate Housewives”.  Ito ang masusing pagtalakay sa pamosong Cesarian section procedure.

Sa isang text message invitation ni Tita G, nagyaya itong pumasyal si Mama sa kanila dahil nag-bake ito ng brownies at nagluto ng Chicken BBQ at kung anu-ano pa.  Isama daw ako, sabi ni Tita G.  At dahil naghahanap ako ng dahilan para sipaging mag-shave, naisip kong why not chocnut at sumama na rin, lalo pa at maganda namang suhol ang mga brownies ni Tita G.

Matapos kumain, nag-umpisa ang kung anu-anong kwentuhan hanggang mapunta ang usapan sa Cesarian section procedure.

Mga Tauhan:

Adelaida – na-Cesarian sa bunso kong kapatid na si Dyisas Junior.

Tita G – na-Cesarian sa nag-iisa nitong anak.

Tita B – na-Cesarian sa isa sa mga anak niya (o marami pa; hindi ako sigurado)

Sungkamaster – pinganak by natural birth (inere); nagtataka paano napasama sa usapan ng Cesarian section procedure

Hindi ko alam kung sino nag-umpisa ng usapan, basta ang alam ko, nabanggit nila ang mga ilang nakakatuwang “facts” patungkol sa Cesarian section procedure.  Ito ay ang mga sumusunod:

1.  Bawal kumain matapos ang operasyon.

Ayon kay Adelaida, 3 araw daw.

Ayon kay Tita B, 2 araw lang daw

Ayan kay Tita G, 1 araw lang daw ay kumain na siya ng manga (‘yung export quality).

2.  Masakit ang general anesthesia bago ang operasyon na:

Ayon kay Tita B ay sa spinal cord tinuturok at para itong drogang magpapa-high talaga sa iyo.  (Huy, mga adik, interesadong magpa-Cesarian.lol)

Ayon kay Tita G ay naging napakabisang paraan para hindi niya talaga maalala kung paano siya nanganak; natulog lang daw talaga siya.  Wala daw talaga itong maalala.

Ayon kay Adelaida ay kahit na may epekto ang general anesthesia ay hindi naman siya nakatulog at gising ito habang inooperahan (na ayon kay Tita B at Tita G ay nakakatakot na scenaria; na sinang-ayunan ko rin.)

Adelaida:  (habang naka-general-anethesia)  Lalaki po ba o babae ang anak ko?

Doctor: (nagbigla ng nagtanong si Mama)  Naku, misis, ‘wag po kayong magsalita! Bakit po ba gising pa kayo?!

3.  Matapos hiwain ang tiyan ng nanganganak, may pagkakataon na nilalabas ang mga lamang-loob ng inooperahan (Yuckie!)

Sungkamaster:  Weh?

Adelaida:  Oo. Naaalala ko nga nung tinatanong ko ‘yung doctor (at nagtataka siya bakit gising ako), nakita ko ‘yung ilang lamang-loob ko.

4.  Hindi pwedeng kumain ang kaka-opera lang hanggat hindi ito umuutot.  Yes, umuutot.

Dito ako nagsimulang magduda sa nasabing usapan.  Bakit kailangan umutot  muna bago kumain?  Ano ang kinalaman ng utot sa panganganak at paggaling matapos ang nasabing operasyon?

Tinanong ko ang tatlo isa-isa, at ito ang resulta:

Pagkatapos ng operasyon, kumain ka lang matapos kang umutot?

Tita B:  Yes.

Tita G:  Yes.

Adelaida:  Yes.

Ang dahilan sa urban legend na ito ay, sa isang Cesarian section procedure pala, hinihiwa ang tiyan ng isang buntis (or somewhere to that effect) at sa proseso ng pagtanggal sa baby sa “sinapupunan” (clever word) ng ina, inilalabas panandalian ang mga una ng nabanggit na iilang lamang-loob.

Ayon sa Wikipedia, nagsimula ang Cesarian section procedure noong panahon ng mga Romans, bilang paraan ng pagtatanggal sa namatay na sanggol sa sinapupunan ng isang buntis upang mailigtas ang buhay nito (‘yung nanay, syempre.)

Habang ang karamihan ay tinuturing na isang napakadaling paraan ng panganak ang Cesarian section procedure, ang isiping kinakalkal pala (at nilalabas ng panandalian) ang mga lamang-loob ng nanganganak sa proseso ng operasyon ay isang maituturing kong what-the­-fuck moment.

Ito ay para sa mga nag-aambisyong maging ina (o para sa sino mang hindi sineseryoso ang usapin patungkol sa pag-utot.)*

h1

One week bago Holy Week!

Marso 22, 2010

Kapag ang headline sa balita sa TV ay “Stations of the Cross, nasa matarik na bundok”, umasa ka na malapit na ang Holy Week.  Ito ang panahong kunwaring nag-aayuno at nagpipinitensya ang mga Katoliko (marahil para sa nagawang “imaginary sins”) at habang ginagawa ang lahat ng ito ay pinaplano din kung paano mas magiging kaiga-igaya ang may isang linggo ring dahilan para mabakasyon (pwera sa mga call center agents na sa mga ganyang panahon ay kailangan munang itatwa ang relihiyon at isiping “ginagawa ko ito dahil double-pay ngayon”).

Isang linggo mula ngayon, lalo na sa Pampanga, idaraos ang kapanapanabik na Holy Week.  Maituturing itong “Pista ng Suffering ni Dyisas”.  Basta masaya lang ang lahat, na may pabugso-bugsong pagpapaalala ng mga nakakatatanda na dapat magluksa dahil anu mang araw mula sa linggong iyon ay ipapako sa krus si Dyisas at mamatay ito para lang muling mabuhay (na hangang sa panahong iyon ay hindi pa rin talaga tuluyang naipapaliwag kung bakit at paano nangyari).

Bilang paghahanda sa mga inaasan kong bulto-bultong mga maaring isulat patungkol sa Holy Week 2010, narito ang ilang pagbabalik-tanaw sa mga naisulat ko ng mga blogs patungkol sa Holy Week and whatnot dalawang taon ang nakakaraan.

Ginoong Miyerkules Santo 2008 (March 19, 2008)

– mga duguang larawan ng mga nagpipinnitensyang nagpagtripan kong ipasok sa aking imaginary contest.

Mga Mukha ng Biyernes Santo (March 26, 2008)

– ang aming munting pakikipagsapalaran (ako at si Enchong) sa isang gabing natapos sa pag-e-endorso ng kaibigan ko sa isang sikat na brand ng tequila.

MORONIC MONTHS (VOLUME 1) January to April (March 16, 2008)

– alamin kung bakit ang April ay isang super moronic month at kung bakit nakakadiri ang magpalagay ng krus na abo sa noo.

Bahagi ng MORONIC MONTHS (VOLUME 1) January to April ay ang naisulat ko na patungkol sa nakakatuwang tradisyon ng Palm Sunday, o mas nakakatuwang tawaging “Palaspas Day”.

Requirements para makasali sa Palaspas Day Game

1.  Dapat may dala kang dahon;mas berde, mas maganda; mas malaki, mas maganda. (Huwag lang OA, buong puno na ‘yan, kuya.)

2.  Sa araw na iyon, kailangan mong magsimba. Kung bakit, ipapaliwanag ko mamayang konti, basta kailangan, ‘wag makulit.

3.  Siguraduhing may design ang iyong dahon (o palaspas, kung tawagin). Simpleng design lang; tipong blue na plastic ribbon, mga makukulay na papel na ginawang bulaklak, o ‘di kaya naman ay may picture ng isang santo (uso ngayon ang may picture ng yumaong Pope John Paul II). O kung wala naman talagang design ang iyong palaspas, siguraduhin mong nakahabi na lang ang mga tangkay ng dahon ng buko na dala mo, tipong naka-^brades and all that jazz.

4.  Siguraduhing sa iyong pagsisimba ay malapit ka sa altar kung saan nandoon ang paring nagmimisa.

Bago matapos ang misa, babasbasan ng pari ang mga palaspas. Ito ay parang “tossing of the bouquet” lang. Ang siste, may dalang tabo si father at bebendisyunan ang mga palaspas. Maglalakad si father; basbas dito, basbas doon. Kung malas ka ay sa mukha mo tatama ang holy water at hindi sa palaspas.

Ang konsepto ay, dapat malagyan ng holy water ang iyong palaspas, dahil kung hindi, (syempre) hindi na ito magiging “holy palaspas.” Pero ang dahilan talaga kung bakit dapat mong siguraduhing nabasbasan ng holy water ang iyong palaspas ay dahil mahirap makipagsiksikan sa mga taong binababad ang kanilang palaspas sa mga lalagyan ng holy water na malapit sa mga pinto ng simbahan.

Ang mga tinutukoy ko ay ‘yung malalaking parang paliguan ng mga ibon sa mga sulok ng simbahan. Hindi ito ‘yung mga umiihing cherubim; sa mga water fountain yata nilalagay ang mga iyon. Tandaan na hindi “holy palaspas” ang iyong “ordinary palaspas” kapag hindi ito binasbasan ni father, kung bakit, hindi ko alam.

h1

Mga mapanumbat na political advertisement – Tulendoy of the Week

Marso 21, 2010

Ang Tulendoy of the Week ay iginagawad bilang parangal sa isang tao/grupo/pangyayari na nakapagpamalas ng katangi-tanging “katulenduyan” sa linggong ito.

***

Bilang parangal sa mga kukakandidatong maya’t-mayang ipinapakita na sa panahon ng eleksyon, ang pinakamabuting gawin ay sumbatan ang taong-bayan sa mga naging kontribusyon at mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay; at sa pagpapaalala na “may utang na loob” dapat ang taong-bayan sa kanila.

Ang akin lang, para sa mga kumakandidatong inabutan ng EDSA People Power 1, ang tuwirang pagpapaalala sa mga naging kontribusyon ninyo sa nasabing kaganapan ay hindi masama.  Pero ang ipaggitgitan na panahon naman para sa taong bayan na suklian ito ay tuwirang pagsumbat sa dapat sana’y isang alaalang ginawa hindi dahil kinailangan pero dahil ito, sa mga panahong iyon, ay ginawa ng bukal sa kanilang kalooban.

Ang akin lang, para sa lahat ng kumakanditong namatayan ng sikat/pamosong kaanak, lumilitaw na pati ang mga multo ng nakalipas ay innendorso kaya sa isang kaganapang sana’y ang layunin lang ay makita kung sino ang nararapat, at hindi kung sino ang mga naiwan at animo’y nagluluksa pa ring mga kaanak.  Kung namatayan man kayo, nakikiramay ang lahat; hanggang dun na lang at ‘wag animo’y isinusumbat ang kamatayang kung tutuusin ay hindi naman ginusto ng sino man.

Ang akin lang, para sa mga politikong nagtagumpay sa laban ng kahirapan, kung mahirap kayo noon at mayaman na kayo ngayon, tigilan ang animo’y pagsisi sa taong-bayan na hindi kayo makakain ng masarap na ulam noon; tigilan ang animo’y pagsumbat na wala kayong pambili ng gamot at anu pa mang pangangailangan noon.

Ang akin lang, sumesentro ang karamihan ng mga political advertisementpolitical advertisement ay kung hindi man mga kakayahan ng kandidato ay mga malinaw, malalim, at pangmatagalang programang angkop sa lahat at hindi lang para sa mga mahihirap (at para sa mga piniling yakapin ang kahirapan dahil mas madali nga namang isisi sa gobyerno ang lahat ng problema sa buhay). ngayon sa mga animo’y panunumbat at pagtawag ng simpatya at awa;  hindi ba’t nararapat lang na ang gawing sentro naman ng mga

Bilang napiling Tulendoy of the Week, wala kayong premyo, mga echusero.*

h1

Kailan nababanggit ang “Lumuwas tayo ng Maynila”?

Marso 19, 2010

Sa pelikula man o sa telebisyon, patok pa ring hirit na linya ang konteksto ng “pagluwas sa Maynila” na animo’y solusyon ito sa lahat ng bagay/sitwasyon/problema sa mga pagkakataong wala nang magawa ang isang tauhan kung hindi suungin ang buhay sa “Maynila” at iwan ang buhay “provincian” (probinsyano).

Nababanggit kadalasan ang linyang “Lumuwas tayo ng Maynila” kapag:

1.  May hinahanap na nawawalang kaanak (nanay, tatay, mayamang tito/tita, inabandunang anak, kapatid, lolo, lola), na animo’y lahat ng nawawalang tao ay nahahanap sa “Maynila”.

2. May nabuntis na dalagita at, sa ‘di malamang dahilan, ay gustong itago ang pagbubuntis at ayaw ipaalam sa nakabuntis sa kanya.

3. Hinahanap ang nabuntis na kasintahan na nauna ng lumuwas ng “Maynila”.

4. Inalipusta ito ng mga kabaryo at nais kalimutan ang mga sakit at pighati ng buhay.

5.  Ang isang tauhan ay Itinuturing na “salot” sa baryo, again, sa ‘di malamang dahilan, at itinaboy ito ng tuluyan.

6.  Kailangang may puntahang kung anung seminar, training, at mga pagpupulong.

7. Napagtripan ng isang tauhan na “nasa Maynila ang swerte” nito at gustong magbagong-buhay.

8.  Gusto ng isang tauhan na ma-make-over, i.e. gumanda at sumeksi, na para bang sa “Maynila” lang uso ang rebond at makeup.

9. May nagrerebeldeng anak na nais patuyan sa magulang na “there’s gotta be more to life” at umaasang sa “Maynila” makikita ang kinang ng tagumpay na hinahanap: ang maging isang malanding kabit ng matandang milyonaryo.

10.  Mamasukan ang isang tauhan bilang katulong.

Ang akin lang, kung totoo man ito o hindi, kung naabot man ang mga pangarap at mithiin sa buhay sa simpleng “pagluwas sa Maynila”, marahil ang maituturing kong “pagluwas sa Maynila” ay ang “pagbalik at pananatili ko sa Pampanga.”

May kung tatlong taong ko ring naranasan ang buhay sa “Maynila” noong mapagtripan kong doon magtrabaho.  Hindi ko naman ito pinagsisihan; hindi ko naman ito kinakahiya.  Sa katunayan, may nagpaalala sa akin kamakailan kung paano nakaka-miss ang pagpa-power-nap sa bus sa Ayala pauwi ng Boni at ang mga unang sulyap sa Mall of Asia noong kabubukas pa lang nito at maranasang ang simpleng paglalakad sa nasabing mall ay workout ng maituturing.  Ang akin lang, anong masama sa pagiging probinsyano?  Anong masama kung ayaw mong “lumuwas ng Maynila” para sa mga pangarap na nais maabot?  Ikaw, ako, kahit sino, kahit saan, nasa diskarte lang ‘yan.  Bow.

Ito ay para sa lahat ng “Provincian” at “Maynilain” na patuloy na nangangarap at nagpupunyagi sa buhay.*