h1

This is my weekend report

Marso 7, 2010

Magandang paraan para libangin ang sarili tuwing weekend at walang kang trabaho ay ang pumirmi sa bahay at magbaboy-baboy (humilata, matulog, kumain, manood ng TV = magbaboy-baboy].  Sa init ng panahon, ako sampu ng mga nagrereklamo sa init ay wala rin namang magagawa.  Sabi ng isang kasabihan, kahit sunugin mo pa ang ilog, wala ring mangyayari.

Ang mga hindi kayang pumirmi sa bahay at manood ng TV maghapon ay taong:

– literal na walang TV sa bahay

– literal na walang kuryente sa bahay

– walang TV at kuryente sa bahay

– busy sa pagdi-DVD marathon ng kung anu-anong anime

– kayang matulog at magpawis ng sabay

– may trabaho kahit weekend (at kahit umaga/hapon pa)

Isa sa mga bagong pangyayari ngayon sa TV (sa Channel 7) ay ang pagkakaroon ng weekend news.  Kung dati ay tuwing weekdays lang may balita (sa Channel 7), ngayon pati Sabado at Linggo may ibinabalita na rin – mawalang-galang na – na karamihan naman ay tungkol sa Manila (pero pinapanood ko pa rin.)

Ganito kasi ‘yan.  Ang oras ng mga news broadcast ay ang pinakamainam na oras para gawin ang ilang bagay.  Hindi mo kailangang tutukan ito ng todo at talagang tumapat sa TV para maintindihan ang mga bagay.  Paraaan din ito upang umuwas umpisahan ang mga walang tigil na pelikula sa HBO, StarMovies, at iba pang channel na ‘di uso ang commercias.  Tipong breakchannel sa balita, lakasan ang volume, kahit paano ay masasabi mong updated ka sa mga pinakasariwang balita (na maari o hindi rin naman maka-apekto sa buhay mo), at ang pinaka-importante, pwede mo ng gawin ang ibang bagay na mas importante gaya ng: muna.  Ang kailangan mo lang gawin ay ilipat ang

– pakikipag-text ng maayos habang nagyoyosi habang umiinom ng orange juice habang tumitingin sa may bintana kung bakit maingay ‘yung mga matatabang bata ng kapitbahay.

– pagsasaing ng kanin at pagkuha ng sinampay na damit sa garden (dahil napasarap na naman sa kwentuhan ang iyong Nanay sa may kapitbahay kahit gumagabi na at nakalimutang yatang kapag gabi ay nagluluto din at kumakain) at pakikipaghabulan sa tabain at malikot na si Coco (dog) habang pinapagalitan siya na ‘wag lumabas ng gate.

– pagpapaliwanag sa isang kapitbahay (na madalang ka lang makita) na hindi ka naman nag-abroad at pag-iwas sa pagsabi ng ayaw mo siyang kausap.

Sa araw na ito, ilang mahahalagang balita ang nakapagpagaan ng araw ko.  Hindi ito tungkol sa El Niño.  Hindi rin ito tungkol sa ilang sundalong namatay sa kung anung engkwentro.

Mga Headlines ngayon:

– Ruffa, nagwalk-out [sa The Buzz] dahil kay Kris!

– Karamihan sa 20 nagkabulutong [sa Tondo], magaling na!*

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: