Archive for Marso 14th, 2010

h1

Happy 2nd Birthday, Sungka.wordpress.com!

Marso 14, 2010

Minsan hindi ko alam kung namamaligno ako o talagang marami lang na napapasyal sa blogsite ko ngayon, pero akalain mong # 1 na naman ako sa fastest growing blogsite sa WordPress.com (sa araw na ito).  Kahit madalang na lang mangyari ngayon (at kahit na iniisip ko kung “appropriate” pa bang magdiwang kung “fastest growing blogsite” lalo pa at may dalawang taon ka na ring nagbo-blog at iniisip na marahil para lang sa mga bagong blogsite ang karangalang iyon), pero ang importante ngayon ay nais kong magpasalamat sa mga nadaraan, sa mga bored at walang magawa, sa mga natural na panget ang ugali at nais ding manlait gaya ko, at para sa mga “secret readers” kong kung tutuusin ay hindi lang talaga alam kung paano mag-iwan ng comment sa blogsite ko kaya nagmimistulang hindi nagpaparamdam at hindi ma-opinyon.

March 15, 2008 ng umpisahan ko ang blogsite na ito.  Dalawang taon, 19,046 bloghits, hindi na masama para sa katulad kong mababaw lang naman ang gusto sa buhay.  2 million dollars.  Bow.

Advertisements
h1

Mga Nakakalitong Promo – Tulendoy of the Week

Marso 14, 2010

Ang Tulendoy of the Week ay iginagawad bilang parangal sa isang tao/grupo/pangyayari na nakapagpamalas ng katangi-tanging “katulenduyan” sa linggong ito.

***

Bilang parangal sa paglulunsad ng mga promo na kung hindi man nakakalito ay tuwirang ginigoyo ang mga tao (gaya ng mga unlimited text/call promo ng mga telecommunication companies) at sa pagpapaganap ng nakalikihang gawain ng mga tao na kapag may “free” at “sale” na nakalagay ay isa produkto/serbisyo, dapat na itong bilhin.

Ang akin lang, ayusin niyo naman. Gaya na lang nitong nakita kong promotional ad ng isang restaurant,

Mga tanong na dapat sagutin ng management ng restaurant:

1.  “For every group of 10”, may libreng “buffet”? “Buffet”, meaning?

2.  Dapat ba “graduates” lang ‘yung “group of 10”?

3.  Paano kung halimbawa may pumasok na “group of 10”, tapos may pinagpanggap na “graduate” (meaning, pinag-suot ng toga habang umo-order), may libre na silang “buffet”?

Bilang napiling Tulendoy of the Week, ang management ng restaurant (na hindi ko naman talaga binanggit kung tutuusin) ay magtatampisaw at e-enjoy-in ng lahat ng “free amenities”, ayon pa rin sa isa naman nilang advertisement patungkol sa pagtanggap ng mga reservations and whatnot.*