h1

Si Tito Masungit at ang graduation medals

Marso 25, 2010

Kamakailan ay nag-graduate bilang isang kindergarten ang aking nag-iisang pamangking babae na si Jaja (anak ng Kuya kong matagal-tagal ko na ring hindi nababanggit at nakikita dahil nasa ibang bansa).  Dinaluhan ang nasabing graduation ng excited pa sa mag-ga-graduate na lola at lola nito (Adelaida and Dyisas Senior), kasama ang aking Sister-in-law.

Matapos ang graduation, syempre magkukwento ang aking makwentong nanay na si Adelaida (kahit ayaw ko naman talagang makinig; no choice kumbaga).

Adelaida:  Hinahanap ni Jaja ‘yung tito niya.  Bakit daw hindi pumunta si Dyisas Junior.

(meaning, hindi ako; ‘yung bunso ang hinahanap)

Rai:  Eh ako, hindi niya hinanap?

Adelaida:  Hindi.  Sabi pa nga niya, “Hmmp!  Ayaw ko kay Tito Yanyan, masungit ‘yun!”

Rai:  Sinabi niya ‘yun?! (kunwari galit)

Adelaida:  Natawa nga kaming lahat ng sabihin niya ‘yun eh.

Rai:  Tito masungit pala ah!  Sabihin mo sa kanya, wala ng Jollibee ‘pag pumasyal siya dito.

Para sa kaalaman ng marami, ang tawag sa akin ni Jaja kapag binibigyan ko siya ng pera at/o dinadala sa Jollibee (ayaw talaga nila ng Mcdo, ‘di ko alam bakit) ay “Daddy Yanyan”.  Apparently, kapag hindi ako nanlilibre, nare-reduce ang role ko bilang “Tito Masungit”.

Adelaida:  Hindi man tinapos ni Jaja ‘yung graduation niya.

Rai:  Bakit?

Adelaida:  Eh mainit daw.

Rai: Ah.

Adelaida:  After isabit ‘yung mga medals niya, umalis na kami.  I-Jollibee ko raw siya.

Rai:  Medals?  May ganun ba ‘pag kinder?  Parang honor student, ganun?

Adelaida:  Hindi naman.  Saka lahat naman ng kaklase niya may medals.  Lahat binigyan.  Si Jaja, may nakuhang dalawang medals.

Rai:  Ilan ba sila sa klase?

Adelaida:  Mga 20.

Rai:  So, parang best in something something ang dating?

Adelaida:  Oo.

Rai:  Anong subjects ang nakuhang niyang medals.

Adelaida: Naku, ‘pag  ganung level, wala pang subjects.

Rai:  Ma, meron na.  Ano ngang subjects?

Adelaida:  Kung sa bagay, ‘yung isa niyang klasmeyt, nakakuha ng best in Math.

Rai:  Ano nga ‘yung dalawang medals?

Adelaida:  (Matagal nag-isip) Hmmmmm.. ano nga ba ‘yun? Best in grooming at most trustworthy.

Rai:  Anak ng tilapia! ‘Yun ang medals niya?!  Pinaka-mabango sa klase at pinaka-huling taong pagbibintangang nagnanakaw ng eraser?  Pambihira!

Adelaida:  Si Tito Masungit talaga.*

Advertisements

5 mga puna

  1. yan ang tito masungit!

    minemedalyahan ang ganun? di nga? ang lam ko sa amin kasi dati ribbon lang yun! woooshooo!


    • well, apparently medals na talaga ngayon, na sa aking research ay 15-18 pesos lang ang wholesale price. 🙂


      • ay hahahaha. mura na lang pala ang medal ngayon. kaya pala ang bait nila magbgigay ng medals. wafakels.


  2. Tito Yanyan, treat mo ko sa Jabee! :p



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: