Archive for Abril, 2010

h1

The PBB: Teen Clash of 2010 (Friday, April 16, 2010 Episode)

Abril 16, 2010

‘Di gaya ng nakaraang PBB Double-up Edition (Melai, Jason, at whatnot season), walang maituturing na intesanteng mga housemates ngayon.  Maliban sa maya’t-mayang pagdadadag ng kung anu-anong social relevance at pagkukumpara sa buhay ng mga mayaman at mahirap, ang lahat ng kaganapan at patungkol sa iisang bagay langsino ang mas maarte?

Gaya ng dati ay babatain tayo ng isa mga host ng show, mag-gu-good-evening ito at ipapakita na ang mga housemates sa magkabilang bahay; isang bahay na may temang kawayan at kahirapan (Team Mahirap), at ang isa naman ay may temang beach at lahat ng kulay na makikita sa perya (Team Mayaman).

Natalo ang kabilang team, ang Team Mayaman.  Bilang parusa (yata) ay bibigyan ito ng isang challenge na manggagaling sa kabilang grupo, ang Team Mahirap (‘yung may bahay na may kawayan at kahirapan theme).

Maarte girl:  Alam ko na ang parusa, buong araw bawal silang tumayo, dapat gumapang lang sila.

(Tapos may mga ilan pang suggestions na parang mga parusang ginagawa noong witchhunt era sa Europa.)

Ang naging desisyon ng Team Mahirap ay parang ganito:

Binatang-gustong-mag-artista-kahit-hindi-naman-artistahin (maniwala ka): Big Brother, bilang task po ng Team Mayaman, guguluhin po namin ‘yung bahay namin, as in ikakalat po lahat, tapos ipapalinis po namin sa Team Mayaman.  Ano po sa tingin ninyo?

Big Brother:  Okay.

Binatang-gustong-mag-artista-kahit-hindi-naman-artistahin (maniwala ka):  Pero Big Brother, para may twist (at para na rin sa rating at kung anu pang kagaguhan), dapat po habang naglilinis sila, nakatali sila sa isang malaking belt.

Big Brother:  Okay.

So, pinaglinis na nga ang mga ito.  Tapos comment ng comment ‘yung isa ring maarteng girl (Maarte Girl 2) sa Team Mayaman; hindi nagustuhan ito ng mga Team Mahirap (na sa mga oras na iyon ay pinapanood ang 30-minute alloted time na binigay sa Team Mayaman para linisin ang kung tutuusin ay winasak na bahay.  Natapos ang task ng Team Mayaman.

Pinapasok ang Team Mahirap sa Confession Room (kung saan pwedeng magsumbong ng kahit anong kababawan).

Maarte Girl 1:  Big Brother, Maarte Girl  2 used my towel as pamunas sa mirror. [na siya naman nagkalat].  And then she said we’re makalat.  I don’t like her. And she’s so maarte.

Ibang miyembro ng team mahirap:  Yeah, we don’t like herWe want her to be evicted.

Big Brother:  Okay.

Maarte Girl 1:  Oh, let’s make a vote daw.  Who do we want to be evicted ba?  Me, i want Maarte Girl 2 out.

Ibang miyembro ng team mahirap:  Yeah, we want Maarte Girl 2 to be evicted too.

Pinaalam kay Maarte Girl 2 ang pasya.  Nalungkot ang lahat sa Team Mayaman.  Nagsenti ang ilan dahil napamahal na sila kay Maarte Girl 2 (kahit isang linggo pa lang silang nagkakasama) at sa huli ay naki-usap ang Team Mayaman kung paanong maililigtas si Maarte Girl 2 sa tiyak na eviction.  Nag-isip si Big Brother ng solusyon.

Big Brother:  Para hindi ma-evict si Maarte Girl 2, kailangan niyong matalo ang Team Mahirap sa…

(Commercial muna.)

Patunay na pumatok sa mga manonood ang nakaraang PBB Double-up Edition, dahil na rin sa mga nakakatuwang mga housemates, gaya ni Melai at Jason.  Pero sa pagpapatuloy ng kwento ng dalawa, na tampok sa isang animo’y reality show, minsan iniisip ko, kuntento na ba tayong makitang hinatiran ni Jason ng noodles ang may sakit na si Melai, o nakita ko lang ba ito kanina sa TV bago pumasok sa office at hindi ko na man talaga ito sinusubaybayan, o gusto ko lang ba ng noodles? Magulo.

(Back to The PBB Clash of 2010 (Friday, April 16, 2010 episode)

Big Brother:  Para hindi ma-evict si Maarte Gilr 2, kailangan niyong matalo ang Team Mahirap sa larong vollleyball.

Natalo ang Team Mahirap at nailigtas si Maarte Girl 2.  Sa bandang huli, nagkapatawaran na ang magkabilang Team, pero ma-comment pa rin si Maarte Girl 1 and 2.

Itutuloy…

***

Inaasahan kong gaya ng mga uso ngayon, magiging paraan na naman ang show na ito upang makita ang mga nagpupuyos na damdamin ng mga kabataan patungkol sa mga paksang pwedeng pag-usapan, pwedeng pagtalunan, at pwedeng ipagkunwaring may pakialam, gaya na lang ng:

– darating na eleksyon

– kahirapan

regional diversity

insecurities at kung anu-ano pang katulenduyan

– pagmamahal (at pre-marital sex)

– kaartehan sa buhay

– pag-aatista at mga paraan na pwedeng gawin sa isang reality show para bago matapos ito ay mas sikat ka pa kay Justin Beiber

– kung “gosh” ba o “OMG” ang isisigaw kapag nakita si Gerald Anderson ng personal

– paano itatanong kay Kim Chui kung kumakain ba talaga siya

– paghahanap sa nawawalang magulang

– pagpapaliwanag kung bakit apelyido ng nanay mo ang gamit mo

– at iba pang dapat gawin ng mga kabataan upang mapagtagumpayan sa buhay, meaning, paano magiging artista sa pinakamabilis na paraan.*

h1

Adam Carolla, plus or minus points?

Abril 5, 2010

Nagpuputok ang butchi ng maraming Filipino ngayon (at ilang nasyong nakikisawsaw din naman sa isyu) patungkol sa mga “pabirong statements” ng komidyanteng si Adam Carolla (Basahin niyo na lang sa Wikipedia, sayang ang space.)

Narito ang ilan sa mga pahayag ni Carolla:

Manny is off praying to chicken bones”and that you don’t have to respect him because he’s a fu**ing idiot. Someone has to tell him that it doesn’t make a difference.”

“Here’s how you know when your country doesn’t have a lot going for it: When everything is about Manny Pacquiao.”

“Get a fu**in life as a country”

“All you fu**in got is just an illiterate guy who happens to smash other guys in the head better than other people”

“Really, you want some guy with brain damage running your country? Why don’t you get your sh*t together?”

“All they have over there is Manny Pacquiao and sex stores.”

“What happens when Floyd Mayweather beats him? Does your country go into depression?”

Habang ang una kong napansin ay kung gaano kagaling ang nag-transcribe ng mga nasabing pahayag ni Carolla at iniisip na marami na naman ang nagpanggap na naiitindihan ang kung anu man ang ibig sabihin ng “off praying to chicken bones”, ang tanong ko marahil ay ganito, isa na naman ba itong racial remark ng kung sino, o isa ba itong nakakatawang obserbasyon sa mga Filipinong kamakailan lang ay nagulantang ng makita ang nipple ni Anne Curtis?

Bilang Filipino, bilang isang matinong taong may sariling buhay at prioridad sa buhay, kailangan mo ba talaga ang pag-so-sorry ni Carolla? And then what?*

h1

Ang Easter Bunny

Abril 4, 2010

Mula sa Palaspas Day, hangang sa Sabado De Gloria, napuno ang puso ng mga tao sa kanilang debosyon kay Dyisas; sa buhay nito, sa mga paghihirap niya, sa pagtubos sa kung anung mga kasalanang animo’y pinaratang lang din naman sa tao, hangang sa pagkamatay nito sa krus.

Ang Easter Sunday ang araw na sinasabing nabuhay na muli si Dyisas; hindi ‘yung tipong zombie (gaya nung isang text greeting na natanggap ng isa kong kaibigan), pero ‘yung tipong resurrected forever.

Ang pinagtatakhan ko lang (at ito ay isa na namang inimbentong problema sa buhay), may kung ilang araw (mula Palaspas Day hanggang Sabado De Gloria) na ang focus ng lahat ng tao ay si Dyisas, bakit kapag Easter Sunday ang bida ay ang Easter Bunny?  Sa muling pagkabuhay ni Dyisas, naging nagsasalitang kuneho ba itong naging hilig ang magtago ng mga pininturahang itlog?  Si Dyisas ba at si Easter Bunny ay iisa?

Ayon sa Youtube, parang hindi naman ganun ang kaso.*

h1

Ang Stroller Theory

Abril 4, 2010

Nakita ko isang araw ang isang pamilyang tumatawid sa isang pedestrian lane.  Tulak-tulak ng tatay (marahil) ang stroller lulan ang anak (marahil) nito.  Ang tanong:

– Sa pagtawid ng daan kung may kasama kang bata na lulan ng stroller, dapat ba una ang stroller, tipong tinutulak ito habang tumatawid?

– Ano ang pinaka-safe na paraan ng pagtawid sa daan kung may kasama kang bata na lulan ng stroller?

Ayon sa isa kong kaibigan, nang tanungin ko siya tungkol sa nasabing inimbentong problema, dapat daw una ang stroller dahil sa pagkakataong may mangyaring ‘di kanais-nais (meaning, may daraan na mabilis na sasakyan at akmang tatama ito sa mga dumaraan), maari mo raw hilahin ang stroller at maililigtas ang bata sa tiyak na kapahamakan.

Kung patalikod naman, (meaning, hinihila ang stroller, una ang humihila dito), hindi ba’t mas makakasigurong mauunang mabubundol ng kung anong sasakyan ay may hawak ng stroller, at tiyak na mabibigyan ng proteksyon ang bata na lulan ng stroller?

Sa pagkakataong tiyak na makakasagasa ang isang mabilis na sasakyan, ano ang pinakamainam na paraan, ang pagtulak sa stroller o paghila nito habang tumatawid?

Makakabuti ba ang pagkarga sa bata habang tumatawid ng daan, o makakalala lang ito dahil may tsansang mabundol pareho ang bata at ang kumakarga dito?

Ayon naman sa isa ko pang kaibigan, bakit daw kailangang tumawid ng pedestrian lane ang isang pamilyang may dalang bata na naka-stroller gayong lahat naman naman daw ng may dalang stroller ay may sariling kotse at hindi na kailangang maglakad.  Ang weird lang.*