Archive for Agosto, 2010

h1

Ang Tatlong Wish sa Genie ng Nanay ko

Agosto 27, 2010

Hindi kaila sa iba na ang nanay kong si Adelaida ay laging may opinyon sa lahat.  Ang kaila sa iba (at sa akin) ay “close” pala itong si Adelaida at si Dyisas.

Isang mapayapang gabi, at dahil nagpapagaling pa ako sa aking maituturing na “buwanang trankaso”, nakahiga lang ako sa kwarto at nanonood ng Pasan Ko Ang Daigdig ni Sharon Cuneta.  Maya-maya pa ay dumating ang bisita ni Adelaida, isang kaanak na sa tuwing makikita ko ay iniisipanan kong uutang na naman kay Mama.  Natural lang, sa pag-upo nila Mama, ay nag-umpisa na ang mga kwento niya, mula sa kasalukuyang isyu na tinatalakay ng Homeowners Association ng subdivision hangang kay Regine at kung magsusuot ba ito ng bra sa kasal niya (Hula ko, oo.)

Mapupunta ang usapan sa aming tatlong magkakapatid: sa panganay na dapat ay isang guro sa matematika (kung hindi lang ito natural na batugan at piniling kumuha ng kursong kahit kuneho ay pwedeng tapusin), sa bunso na kaka-graduate lang (at sumosobra ang hilig sa pagkain kaya tumataba), at sa akin at kung paanong isa akong ulirang anak (imbento).

Sa pagpapatuloy ng mga kwento ni Adelaida patungkol pa rin sa aming magkakapatid, isasalaysay ni Mama ang panahon na kung paanong laging natutupad ang kanyang mga “wish” tuwing magdarasal siya kay Dyisas.  Noong mga oras na iyon ay hininaan ko ang volume ng pinapanood ko para makitsismis sa kwento ni Adelaida, tutal hindi pa naman kumakanta si Ate Shawie.

Adelaida:  Naku, problema ko talaga ang panganay ko noon.  Lagi siyang walang trabaho.  Diyos ko, salamat kay Dyisas, tinupad niya wish ko na sana makapag-abroad ito.  Ngayon okay na siya.  Sana.

Sumunod na nabaling ang usapan sa bunso kong kapatid.

Adelaida:  Naku, nung mag-graduate ‘yan nung May, sinasabi ng mga ka-pastoral ko, ‘Nag-graduate ka na rin.”  At totoo naman.  Nung nag-aaral pa ‘yan, kinakausap ko talaga si Dyisas bago matulog, na sana hindi ma-hazing ang bunso ko, na sana pumasa siya sa mga exam niya.  Tinupad din ni Dyisas ‘yung wish ko na sana pumasa sa siya licensure exam niya.  Pumasa naman siya at isa na namang wish-granted ni Dyisas.

Sumunod at panghuling kwento ay tungkol sa akin, na sa kasamaang-palad ay hindi ko gaanong naintindihan kaya lumabas ako ng kwarto at tinanong si Mama.

Rai:  Ma, ano nga ‘yung “wish” mo sa akin?  ‘Di ko narinig.

Adelaida:  Nakikinig ka pala.  Sabi ko, wish ko kay Dyisas noon ay makuha mo ‘yung inaplayan mong trabaho sa Makati.  Eh tinupad naman ni Dyisas ‘yun.

Rai:  So, si Dyisas pala dapat kong pasalamatan sa anim na buwan na trainingregular sa trabaho? ko dun kaya ako na-

Adelaida:  Oo.

Rai:  Bakit “wish”?  Genie ba si Dyisas?

Adelaida:  Hindi.  Anti-Christ ka lang.

Rai:  Hindi ako anti-Christ.  Hindi ako galit sa kanya, okay?  Inaano ko ba si Dyisas?

(Natawa na kaming mag-ina)

Adelaida:  Kaya siguro hindi ka nagsisimba.

Rai:  Nga pala, Ma, tandaan mo, hindi tayo Bumbay na nagpapa-5-6.  Ayaw ni Dyisas ng nangungumisyon.  Ikaw din, bahala ka, ‘di ka na bibigyan ng tatlong wish ni Dyisas Genie. Goodnight, Ma.   (sabay lock ng kwarto)

(At nagpatuloy ang mga kwento ni Adelaida)

Advertisements
h1

Mga Kwento ni Mang Berto

Agosto 27, 2010

Sa mundong ginagalawan ng madaming “small talk” at mga pag-uusap na ninanais mo sa sarili mo na sana ay hindi mo narinig, may mga pagkakataon ang tanging paraan ay maging mabait at kunsitihin na lang ang sino mang taong napiling isalaysay ang buhay niya sa iyo.  Isang magandang halimbawa nito ang dalawang pagkakataon na pag-uusap namin ng isang ka-opisinang papangalanan na lang nating Mang Berto.

Si Mang Berto ay isang ka-opisinang kamukha ni Eddie Garcia (at kaedad din yata ni Eddie Garcia) at laging pasigaw kung magsalita.  Lagi din itong may hand gestures kapag nagkukwento, kaya kung nabebenta lang ang drawing sa hangin, malamang ay milyonaryo na si Mang Berto.

***

Ang Tape

Isang mapayapang afterlunch at kung ang ibig sabihin man ng siesta ay “masarap at sunod-sunod na pagyoyosi” ay sabihin na nating kasalukuyan ako noong nasa isang masarap na siesta time. Nakapalabas sa TV noon ay Eat Bulaga! at kasalukuyang namumudmod ng pera sa Jose at Wally sa kung saang barangay.

Mang Berto:  Rai, gusto mo ng tape?

Rai:  Naku, Mang Berto, naghahanap nga ako.  Meron ka ba?  Puro double-sided tape na lang ‘yung meron ako.

Mang Berto:  Hindi tape.  Gusto mo manood ng tape?

Rai:  Manood ng tape? *nagkamot-ulo*

Mang Berto:  Oo.  May dala akong tape diyan.  Gusto mo manood?  Boksing.

Rai:  Baka naman DVD?

Mang Berto:  ‘Yun nga.  Tape.

Rai:  DVD. (sabay walkout)

Hindi ko man tuloy natanong kung anong boksing ‘yun.lol

***

Ang Panahon ni Mang Berto

Sa isang kakaibang pagkakataon naman makalawa, habang nasa labas ng opisina kasama si Luigi (office driver) at pinagmamasdan ang ulan habang nagyoyosi, sumulpot na lang bigla si Mang Berto at walang-kagatol-gatol na nagkwento (kahit wala man talagang usapan na pwedeng nag-trigger ng kanyang kwento).

Mang Berto:  Noon, ang baon ko lang 30 sentimos.

(Walang pakialam si Luigi at ako.)

Mang Berto:  Noon, ang baon ko lang 30 sentimos.

Rai:  (Naisip kong kailangan ko na magtanong)  Bakit naman? (Iniisip na ano ba dapat itanong ‘pag ganun)  30 sentimos?! Wow! (Malaki ang acting)

Mang Berto:  Noong nag-aaral pa ako –

Rai:  May school na po nung panahon niyo?

Mang Berto:  – 5 sentimos lang ang pamasahe. Bale may 25 sentimos pa ako.

Rai:  Saan kayo nagsusulat nun, sa bloke ng bato?

Mang Berto:  Tapos ‘pag recess na, ang merienda 5 sentimos.  Mamimili ka kung pansit —

Rai:  O ininit na buhangin.

Mang Berto:  – o spaghetti ang gusto mo.  At may kasama na itong choco binchocolate drink daw, ‘di ako sigurado sa spelling, basta ganyan dinig ko). At kapag may sobra sa baon ko – (

Rai:  May spaghetti na noon?

Mang Berto:  – ibibili ko ito ng dyaryo –

Rai:  Wait lang, Mang Berto.  Dyaryo?

(Sa puntong ‘yon, hindi ko na talaga ititigil na pagtripan na lang ang kwento ni Mang Berto)

Mang Berto:  Oo.

Rai:  ‘Yung papel?

Mang Berto:  Oo.

Rai:  ‘Yung may totoong letra, ‘di ‘yung nakapinta sa mga kweba at malalaking tipak ng bato?

Mang Berto:  Oo.  ‘Yun na nga. Ibibili ko ng dyaryo –

Rai:  Na binabalita pag-alis ng mga Hapon sa Pilipinas?

Mang Berto:  – ‘yung sobra sa baon ko.  Anim na pahina ito.  At kinabukasan, magte-test kami tungkol sa laman ng dyaryo.

Rai:  Test?

Mang Berto:  Oo.

Rai:  Tungkol sa kung ilan namatay sa Hiroshima at Nagasaki atomicbombing?

Mang Berto:  Tungkol sa current events noon.

Rai:  ‘Yun nga sabi ko.

The end. For now.

h1

Mga Kasalukuyang Tanong

Agosto 27, 2010

–  Bakit hindi pantay ang mata nung hinayupak na batang si Trudis Liit sa GMA7?  Kirat ba siya o sa sobrang masayahin nito ay nakakaranas na ng mild stroke?

–  Sa mga rape scene sa pelikula at telebisyon, sa kagustuhang patulugin ang isang potential na biktima, ano ‘yung nilalagay ng rapist sa panyo na siyang itatapal niya sa bibig at ilong nung biktima para makatulog ito o mawalan ng ulirat?

– Bakit may nag-u-inicycle sa main streets ng Angeles City?   Ito na ba ang mga bagong “wave” motorcyles ngayon?

– Bakit laging hawak ng mga rapper ang kanilang maselang-bahagi habang kumakanta?  Tumatakas ba ang kanilang mga maseselang-bahagi o nalalaglag ba ang mga ito?

– Ano ang ibig sabihin ng isang pari sa isang homily niya nang sinabi niya na “noong ginawa ng Diyos ang mundo, ginawa niyang tagapangalaga sa mga nilikha niya ang tao at hindi mga dinosaurs”?

– Ano ang ibig sabihin ng headline na ito sa isang balita sa TV, “Halos lahat ng rescuers, nakaalis na matapos makuha ang huling biktima”?  Hindi ba talaga sila dapat umaalis?  Nag-siesta ba ang ilan kaya nagpaiwan?

– Bakit may manghuhula at tarrot-card reader sa canteen sa opisina?   Nauuso ba ito, gaya ng tamagotchi noon, at hindi ko lang alam?

h1

Ang Hostage-taking sa Quirino Grandstand (or parang ganun)

Agosto 23, 2010

Sa katatapos lang na hostage-taking scenario sa Quirino Grandstand, madami ang sigurado ako ay magkakaroon na naman ng mga malalaking opinyon; palakihan ng acting sa ngayon pa lang ay sinisisi ng kasalanan ng mga pulis.  Titingnan din ang anggulo na marahil ay may kasalanan ang media, at kung bakit nabaril ang isang batang usiserong kung tutuusin ay wala dapat sa lugar na pinangyarihan ng hostage-taking “drama”.

Habang nanood ng nangyayari kanina, pilit akong kinukulit ng aking Nanay, ang pamosong si Adelaida.  Pilit niyang ipipapaala na i-text ang bunso kong kapatid na nasa Manila.

Adelaida:  I-text mo nga kapatid mo.  Kamustahin mo kung okay lang ba siya.

Rai:  Bakit, miyembro na ba siya sa mga SWAT team?  Kailan pa nagpulis si Dyisas Junior?

Adelaida: I-text mo nga.  Baka napano na ‘yun.

Rai:  Ma, turistang taga-Hongkong ba si Bunso at nasama sa mga hinostage?

Adelaida:  Eh malay mo nakiusyoso siya diyan.

Rai:  Ang importante hindi siyang ‘yung nabaril kanina.  ‘Yung nabaril mga 10-14 years old daw.  At nakita mo naman, “payat” ‘yung bata.  Kung ‘yung kapatid ko ‘yan, malayo pa lang, kita na nating siya ‘yun.

Natahimik si Mama at napanatag ang loob na marahil nga ay ligtas si Dyisas Junior, at ‘yun ay dahil na rin nabaling ang atensyon ni Mama sa pakikipag-away sa Tatay ko patungkol sa kung saan pinakamagandang magrenta ng mascot para sa isang birthday party.

h1

Lobby at Jollibee

Agosto 23, 2010

Hindi kompotable maghintay sa isang lobby ng isang opisina kung sa ‘di kalayuan ay may ganiyang label ng trash can.

***

Salamat sa pangungunsinti sa akin, sa iyo na itinuturing na “source of all happiness”.  Salamat, Pareng Jabi.

h1

Small Talk

Agosto 13, 2010

Pedro:  Rai, saan si Juan?

Rai:  Umalis sandali.

Pedro:  Rai, saan si Juan?

Rai:  Umalis nga.  ‘Di ko alam saan pumunta.

(Lumapit kay Boss)

Pedro:  Boss, saan si Juan?

Boss:  Umalis.

Pedro (kausap ang driver ni Boss):  Saan si Juan?

Driver:  Umalis.

(Walkout si Pedro)

Driver:  Adik yata ‘yun eh.

(Tawanan ang lahat)

***

Boss: Rai, ‘yung kapatid ko hindi man nag-“nursing” pero “nursing” siya.

Rai:  Huh?  Paano nangyari ‘yun, Dad?

Boss:  Kasi ‘yun ang pangalan niya. “Narcing”.

Rai:  Ayos!  Kwela! Apir!

***

Juan (may kausap sa phone):  Nakow! Nakagat ka ng aso niyo, pare?! (Malaki ang acting) Obserbahan mo ‘yung aso; mga 15 days.  Kapag tumamlay, tumamlay ka na rin. (Sabay tawa) Ngayon kung masaya pa rin siya after 15 days, sumaya ka na rin. (Sabay tawa)

h1

Ibalik ang mandatory ROTC – AFP

Agosto 13, 2010

Natutuwa lang ako sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kapag nasa mall ang mga ito at may karay-karay na bomb-snipping dog at hindi ako binabawalang i-pet ang kalimitan ay malaking aso.  Pero kamakailan ay pumalakpak ang tenga ko nang mabasa ang balitang nais ng AFP na ibalik ang mandatory ROTC sa mga kalalakihan sa kolehiyo.

Buong pagmamalaki kong masasabi na natapos ko ang apat na semester ng ROTC program.   Hindi ko man maarok ang nais nitong ipabatid patungkol sa nasyonalismo at sa kung anumang layuning mahalin ang bansa; at kahit na ba hindi ko pinangarap na iharap sa isang giyerang laging pinipilit na maaring mangyari, parte na ito ng buhay ko.

Ito ang ilan sa mga kalimitang gawain sa ROTC:

– MAGSUOT NG COMBAT BOOTS.  At hindi ito ‘yung mga tipong suot-suot ng Justin Bieber ngayon na Supra shoes; ito ‘yung pwedeng gawing hulmahan ng paa.  Sa sobrang bigat nito, para ang pakiramdam ay may prosthetic legs ka o ‘di kaya may tig-iisang kilo ng bigas ka sa magkabilang talampakan.  Sa kabilang banda, kaya nitong suungin ang anumang hamon ng panahon, i.e. putik, bato, ulan, makulit na kaklase.

– IBILAD SA ARAW (kung may dahilan, ‘di ako sigurado).  Kung anu man ang dahilan at iniiwan kaming mabilad sa araw noon, wala sanang problema; ano ba naman ang magka-tan ka at maging patpating kayumangging-kaligatan.  Pero ang siste lang sa akin ay allergic ako sa glaring light (alam ng mga kaibigan ko ‘yan.) At ang kaso kapag gumagalaw-galaw ka habang nakabilad kayo, may parusang push-ups (minimum sampu).  At ang kaso ulit, payat ako nun at tipong hangang apat lang ang kayang bilang sa push-ups.

– BAWAL KUMAIN.  Hindi naman sa patay-gutom, pero sa isang subject na mula umaga hangang tanghalian lang, hindi ko alam kung bakit nakakagutom.  Ito marahil ay dahil na rin sa pagpapatakbo sa amin sa oval nang may kung ilang ulit.  Isang dahilan din marahil ay ang pinakamalapit na drinking fountain ay sa kabilang building, at nabanggit ko na kanina, kapag nakabilad kayo sa araw, bawal gumalaw.

– BAWAL ANG MAINGAY.  Hindi ako sigurado kung tipong may naglilista ng noisy kapag formation na, pero bawal mag-ingay.  Tandaan na noong mga panahon na iyon, ang pinaka-portable na paraan ng pagsa-soundtrip ay ang diskman, kaya imposibleng ibulsa. At para sa mga mainiping gaya ko, ang magkwentuhan ang tanging paraan para hindi mabagot.  Nagiging kakaiba din ang mga usapan, na minsan ay umaabot sa usapang, “sino ang may pinakamakintab na combat boots?”

– BAWAL ANG LONGHAIR/MAY BIGOTE AT GOATEE/FACIAL HAIR.  Malinis nga namang maituturing ang isang bagong gupit na kadete. Pero mas madali nga namang turuan ng leksyon ang mga mahahaba ang buhok sa pamamagitan ng walang-habas na paggupit maiksian lang ito.  Sa panahon ng ROTC, gago na lang ang magpahaba ng buhok.

– HAYOK ANG LAHAT SA BABAE.  Ang kawalan ng babae tuwing ROTC ang nagbubunsod sa karamihan na maghuhumiyaw sa tuwa kapag dumarating ang isang babaeng instructor namin para magturo ng “self-defense”.  Habang hindi ko maintindihan kung paano ka kakalma at iisiping palipitin ang kamay ng isang taong nanunutok sa iyo ng baril, mas hindi ko maintindihan kung bakit pinagnanasahan ng mga kaklase ko ang instructor naming kung tutuusin ay parang nawawalang kapatid ni Berverly Salviejo.

***

Ang akin lang, hindi mahirap maghanap ng dahilan para kutyain ang noo’y ROTC program.  Hindi mahirap isiping marahil ay isa lang itong kapricho na gustong ibalik para sa anu mang dahilan.  Pero ano ba naman ang dalawang taon, isang araw sa isang linggo, ilang oras sa isang araw? Ano ba naman ang apat/limang oras sa isang linggo ng paglimot sa nakalakihang ginhawa sa buhay?

Ang akin lang, mas may natutunan sa ROTC kumpara sa kasalukuyang NSTP.  Mas nagiging maiitisin ka sa buhay (lalong-lalo na sa init ng araw).  Mas gugustuhin ko pang makitang magsuot ng combat boots ang mga lalaki sa kolehiyo habang ibinibilad sila sa araw kaysa sa ngayong nangyayaring naka-Supra shoes ang mga ito at naiinarte sa pagpulot ng mga basura sa daan at pagpinta ng mga naglulumot na pader ng isang pamayanan.

Ang akin lang, hindi mo naman ito ikamamatay at – oh wait. (Binasa ang news tungkol sa pagbabalik ng ROTC).  I love NSTP.