Archive for Nobyembre, 2010

h1

Salamat, Ms. Jessica Soho

Nobyembre 29, 2010

1:01 – 1:40

Soho:  Sorry, isa pa.

Regine:  May isa ka pang trivia?  Ang dami niyan ah?

Soho:  Hindi ka nagba-bra.

Regine:  Ay!  (tawa lang ng tawa at kumuha ng pillow at tinakpan ang breast area)

Soho:  Ang galing noh? (nakitawa na rin)

Regine:  Hay!  (tawa pa rin)  Oh my God!

Soho:  As in!

Regine:  Eh kasi – eh kasi bata pa ako hin – hirap ako – ang hirap kaya huminga.

Soho:  Oo.  Lalo na ‘pag singer ka siguro. (Bumabawi)

Regine:  Oo, siguro.  Siguro ‘yun.  Kasi kasi parang ‘pag bumibirit ako, syempre lumalaki ‘yung likod ko, ‘di ba, nahihirapan ako.

Soho:  (tumatawa lang)

Regine:  Kamusta naman?  Ikaw lang nagsabi niyan! Bwahaha!

Soho:  Hindi naman malaswa. (Bumabawi ulet)

Regine:  Nahihiya ako!  Bwahaha!

Soho:  Hindi naman malaswa. (Bumabawi ulet)

***

Sa nakaraang episode ng Jessica Soho Reports Anniversary Special: Pinoy Icons, isa sa apat na na-feature at na-interview ng personal ng nakakatuwang si Ms. Jessica Soho ay si Regine Velasquez.  Anong tuwa ko ng may banggitin si Ms. Soho ng isang “trivia” na ‘di umano’y alam niya patungkol kay Regine, na sinang-ayunanan (at tinawanan) naman ng Asia’s Songbird.

Sa puntong ito, nais kong magpasalamat sa bumubuo ng Jessica Soho Reports dahil nasagot na sa wakas ang isa sa mga pamosong tanong ng aking nanay na si Adelaida.

Pero, mawalang-galang na, Regine, hindi si Ms. Jessica Soho ang unang nagsabi ng “trivia” na wala kang bra lagi.

At bilang ebidensya na magtatatlong taon ng problema ng Nanay ko ang isyu kung nagba-bra ba si Regine o hindi, narito ang mga ilang naisulat ko na patungkol sa isyung nabanggit:

Exhibit A

The Gospel According to Adelaida

Marso 15, 2008

Hindi rin matatawaran ang mga opinyon ni Nanay tuwing manonood ng TV. Sa paksang TV at mga programa nito, ayon kay Nanay:

14. Sino daw si Enchong Dee.

15. Ang bida sa tele-fantasyang Lastikman (ABS-CBN 2) ay si Zsa Zsa Padilla.

16. Laging walang bra si Regine Velasquez. As in bakit LAGI daw.

Exhibit B

On Everything…Pwera sa Sun

Abril 24, 2008

ON THE WINGS OF LOVE…

Tandaan na kung hindi man madalas mag-bra si Regine (gaya ng madalas mapansin ni Mama tuwing nakikita niya ito TV) ay wala na tayong pakialam dun. Tandaan na kung nagpatangos man ng ilong, nagparetoke ng mata, o nagpa-lipo si Regine ay hindi na rin natin problema. Ang kailangang problemahin (at ‘yan ay napatunayan ko sa mga nakaraang tsismis tungkol sa kanya) ay kung lilipat ba talaga siya ng ABS-CBN at kung nabuntis na ba talaga siya ni Ogie. Lolz

Exhibit C

Hindi na mandatory ang ID at uniporme sa mga pampublikong eskwelahan

Hunyo 2, 2008

Siya nga po pala, ito’y mga tanong ko lang naman po, nasasa-inyo po kung sasagutin niyo o hindi:

1. Ano po binibigay niyong gift tuwing nag-ni-ninang kayo sa kasal?

2. Natatawa po ba kayo kay Ate Glow sa pag-i-impersonate niya sa inyo?

3. Pinapatanong po ni Mama ito: Sa tingin niyo ba laging walang bra si Regine Velasquez?

Exhibit D

Nagbabalik ang echusero

Marso 1, 2010

Sa may apat na linggong pagkakawala ko sa ere, nabigyan ako ng oportunidad na magnilay-nilay at bigyan ng pansin ang mga ibang bagay bukod sa Internet, gaya na lang ng mga sumusunod:

– pagkumpleto sa lahat ng levels ng Plants Vs. Zombies.

– pagtulong sa mga nasalanta sa Haiti (‘di na lang ako magiging specific)

– pagpapatibay ng pintuan sa may dirty kicthen.

– pagpuna na rin sa nakahiligan na yata ni Regine na ‘di pagsusuot ng bra (na una ng napansin ng aking pamosong inang si Adelaida)

Exhibit E

Ang Tatlong Wish sa Genie ng Nanay ko

Agosto 27, 2010

Isang mapayapang gabi, at dahil nagpapagaling pa ako sa aking maituturing na “buwanang trankaso”, nakahiga lang ako sa kwarto at nanonood ng Pasan Ko Ang Daigdig ni Sharon Cuneta.  Maya-maya pa ay dumating ang bisita ni Adelaida, isang kaanak na sa tuwing makikita ko ay iniisipanan kong uutang na naman kay Mama.  Natural lang, sa pag-upo nila Mama, ay nag-umpisa na ang mga kwento niya, mula sa kasalukuyang isyu na tinatalakay ng Homeowners Association ng subdivision hangang kay Regine at kung magsusuot ba ito ng bra sa kasal niya (Hula ko, oo.)

Kaya kung may magtatanong man kung sino ang unang nagtanong patungkol sa ‘di pagsusuot ng bra ni Regine, ito ang Nanay ko at hindi si Jessica Soho.

***

Advertisements
h1

Ang Kawali

Nobyembre 8, 2010

Isa sa pinakamakabuluhang bahagi ng aking weekend ay ang naganap noong Linggo ng hapon.  Kakatapos lang maghugas ng pinagkainan ni Adelaida (ang aking pamosong nanay) at bigla na lang itong nag-ingay sa kusina na animo’y may hinahanap.  Napilitan akong magtanong dahil masyado na siya maingay (at parang kinakausap ako at nagtatanong na) at dahil hindi ko na marinig ang TV.

Rai:  Ma, ano hinanahap mo?

Adelaida:  ‘Yung kawali.

Rai:  Magluluto ka?

Adelaida:  Hindi.  Hindi mo ba pinahiram ‘yung kawaling malaki?

Rai:  Ako?  Baki – ako? Magpapahiram ng kawali?  Ang tanong, Ma, kanino?

Adelaida:  Eh baka nakalimutan mo lang.

Rai:  Ma, bakit ako magpapahiram ng kawali, eh ni wala nga akong kaibigang na kung sakali ay manghihiram?  (Tawa ng tawa)  Oh, wait, isipin ko.  Baka nga naman hiniram ni Otso? (kaibigang taga-Bataan, pero sa Manila nakatira ngayon)

Adelaida:  (hanap pa rin ng hanap)

Rai:  (Bumalik sa panonood ng TV)

Adelaida:  Dyisas Senior (tatay), may nanghiram ba sa iyo ng kawali?

Dyisas Senior:  Wala.

Yan, baka naman may nanghiram ng kawali sa iyo?

Rai:  Oh my godSeriously?  Kung may nanghiram ng kawali sa akin, maniwala kayo, hindi ko makakalimutan. (Tawa pa rin ng tawa)

Adelaida:  (Naupo sa may dining table at malungkot na)

Rai:  (Pumunta na sa kusina at sinubukang hanapin ang kawali)  Kapag nahanap kitang kawali ka, patay ka sa akin!  Magluluto ako tocino at hahayaang masunog tapos ‘di kita bubuhusan ng tubig!  Goodluck kung matanggal mo ang sunog na tocino. (Medyo asar na)

(After 10-20 minutes)

Rai:  Ito ba iyon, Ma? (Pinakita ‘yung nakitang kawali)

Adelaida:  Malaki ‘yun.

Rai:  So, hindi ito?  Okay.

Adelaida:  Kawali na lang nanakawin pa.

Rai:  Ma, ninakaw lang kawali?

Adelaida:  Bigay pa naman ng Lola mo sa akin ‘yun.

Rai:  Oh, wait.  Kawali ba hinahanap natin o kawa?  Ito ba ‘yung malaking kawali na parang TV sa mga horror films?  Tandaan mo, Ma, galit si God sa mga mangkukulam.

Adelaida:  Hindi.  Ginamit ko pa lang ‘yun nung nagluto ako ng pagkain na dinala naming ng Tatay mo sa Tarlac noong Undas.

Rai:  Undas. Undas.  Ako lang naman saka si – si BUNSO!  (Kuha ng cellphone at tinext ang noo’y bunsong kapatid na nasa Manila)

Text Message:  Dyisas Junior, putangina, nakita mo ba ‘yung “malaking kawali” ni Nanay?!  Kanina pa niya hinahanap sa akin.  Mukha ba akong hanapan ng nawawalang kawali?!

Dyisas Junior:  Ay, kuya, oo nga pala, nakalimutan ko sabihin.  Hiniram ni Kuya Steve.

Rai:  Ma, hiniram daw ni Kuya Steve (kapitbahay).

Adelaida:  Oh, tingnan mo na.  Kung hindi ko pa hinanap, malamang nawala na iyon.  Kaya pala nagtataka ako (white noise na lang para sa akin ang mga sumunod na “paragraphs” ni Mama)

Rai:  You’re welcome, Ma.

h1

WWJD (What Who “Jew” Do)

Nobyembre 8, 2010

Mga Tauhan:

Ate Grace – kapitbahay na may tindahan at nahihilig sa kanyang “church”; may anak siyang takot sa aso.

Madam Elda – nanay ni Ate Grace; nakatokang maging tindera noong araw na iyon (dahil umuwi somewhere South ang kanilang katulong para manganak); isa rin siyang retiradong guro; ayaw din niya sa Canada dahil malamig daw masyado.

Rai – responsableng kapitbahay ni Ate Grace at Madam Elda; naisipang bumili ng yosi bago magsara ang tindahan; nalaman ang lahat ng tungkol sa kapitbahay dahil sa makwentong nanay.

(Pumunta ng tindahan)

Rai:  Pabili po ng red.

Madam Elda:  Magkanong load?

Rai:  Red po.  Marlboro red po.

Madam Elda:  Magkano ngang load?  Globe, ‘di ba?

Rai:  Madam, Red po.  Yosi po.  ‘Yun pong kapag sinindihan, may usok.

Ate Grace:  (nakialam na)  Nay, yosi daw.  Yosi.

Madam Elda (kausap ang anak):  Eh dinig ko load. (sabay tawa)

Rai:  (Nakitawa na rin, why not, chocnut)

Ate Grace:  Yan, sama ka naman sa akin sa Sunday.

Rai:  Saan?  Birthday mo? (Tawa pa rin ng tawa)

Ate Grace:  Sama ka sa church namin.

Rai:  Church niyo?  Church niyo nino?

Ate Grace:  Basta sa church namin.  Sama ka ah?

Rai:  Naku, pass muna ako diyan.

Ate Grace:  Bakit naman?

Rai:  Hmmmmm.. busy ako.

Ate Grace:  Sunday ‘yun.  Wala ka naman pasok nun.

Rai:  Eh ganun talaga ako, busy kahit walang work.

Ate Grace:  Sige na.  minsan lang.  Subukan mo lang.

Rai:  (Gusto sabihin na “nasubukan ko na dati ang ganyan, wala man merienda”, pero naisip ko baka nakabastos naman ‘yun sa “church” niya.)

Ate Grace:  Ano na?  Sama ka na sa akin sa church?

Rai:  Busog pa po ako.  Salamat na lang. (Sabay layas sa tindahan.)

***

Balak ko maglagay ng tarpaulin sa tapat ng bahay, nakasulat:

Hindi ako anti-christ.  ‘Wag maniwala sa sabi-sabi, lalo na galing kay Mommy – Rai

Hindi ko rin pala naiitindihan ang tanong mo, Mr. Pete Morales (kapitbahay naming kung umasta ay parang isa sa may-akda ng Bible), sa iyong tanong nung minsang makasalubong mo ako na,  “Natagpuan mo na ba Kristo sa puso mo?” Ano ka, Sexbomb?

WTF?  WWJD? XYZ? ABC? DOREMI?  (Gago mode)  Tapos nagtataka ako kung bakit ayaw ma-import ng blog ko sa Facebook.  Buhay nga naman.

And yeah, nga pala, hindi ako anti-christ.