h1

Tungkol saan ang pinapanood mo? (Primetime Edition)

Pebrero 8, 2011

Bilang “tulong” sa mga nakakaligtaang manood ng TV (o walang TV sa bahay gaya na lang ng kaibigan kong si Otso), narito ang ilan sa mga pinapalabas sa primetime at kung tungkol saan ba ang mga ito o kung ano ba talaga ang kwento.

Ang NOAH ay hindi tungkol sa tagasunod ng sinaunang Diyos na inutusan niyang gumawa ng arko.  Ito ay ang Filipino version ng Jungle Book o parang ganun ang gusto nilang palabasin, maliban na lang sa tuwing magtatagalog ‘yung mga taong-unggoy ay nagkakaintidihan sila, pero kapag tao na ang kausap ay hindi maintidihan, at ang klarong gustong ipahiwatig ay tanga ang mga manonood at hindi marunong magbasa ng subtitle kung sakali.  Tungkol din ito sa katotohonang kahit bading ay pwedeng magpulis, gaya na lang ni P – PO1 something.

Ang DWARFINA ay tungkol naman sa mahahabang pulang pilik-mata ni Angelica Dela Cruz at Pauline Luna at kung paanong ang kalandian noong bata ka pa ay pwedeng dalhin hanggang tumanda (gaya na lang sa karakter ni Iwa Moto).  Tungkol din ito sa ideya na nakakadiring isipin kung paano ang mangyayari kapag nag-asawa ka ng dwende o kung dwende ka at mag-aasawa ka ng tao (kung ano man applicable sa sitwasyon mo).

Ang MUTYA ay tungkol na naman sa mga sirena (na para bang hindi pa talaga tayo nagsawa) at tungkol sa isang lalaking serenang may modern name na Irvin, ika nga ni Venn.  Tungkol din ito sa kung paanong bini-blurr ang kuyukot nung maitim at matabang lalaking serena (na mas nakilala sa PBB Clash of the something Teen Edition bilang “papansin at nakakaasar na tabachoy”).  At tungkol din pala ito sa batang babaeng bida.  Gets?  ‘Yung bibo at kulot-kulot ang buhok?  ‘Yung maganda ang boses?  ‘Di mo pa rin kilala?  Ako rin.

Ang MARA CLARA ay tungkol sa nauna ng Mara Clara na pinagbidahan nina Judy Anne Santos at Gladys Reyes.  Tungkol ito sa dalawang sanggol na nagkapalit ng tandaha dahil pinagpalit sila sa ospital noong kapapanganak pa lang sa kanila (na para bang ang lenient lang talaga ng security sa ospital; ngiti nga lang sa nurse eh may bayad lately, magpalit pa kaya sanggol sa nurseryGoodluck.)  Ang pagkakaiba lang sa bagong bersyon ng Mara Clara ngayon ay ang bida sa kwento ay si Kiray at si Ms. Gina Pareño.

Ang MACHETE ay tungkol kay shirtless Aljur.  Ano pa ba?  Hmmmm.. tungkol din ito sa isang babaeng mukhang may over-cooked na ravioli sa mukha?  Hmmmmm… tungkol din ito sa Baguio?  Ewan.  Tungkol ito kay Aljur na nagiging estatwang kahoy.   Tungkol din ito kay Aljur bilang isang nabubuhay na estatwa at kung paano siya umakting na parang kahoy.  There.

Ang IMORTAL ay tungkol sa kung ano ang magiging itsura mo kapag manginginom ka at naging bampira ka (John Lloyd) o kung paanong kapag tumanda kang bampira ay lulusog ka nang todo (Jomari Yllana).  Tungkol din ito sa palakihan ng dibdib ni Angel Locsin at ni Vivian Velez bilang mga taong-lobo (werewolf, not ballons).  At siya nga pala, tungkol din ito sa mga babaeng bampira na kung hindi man naka-Lara-Croft-costume (‘yung babae sa Hayden Kho video scandal) eh naka-Sisa-costume (Nikki something na nasa Tabing-Ilog show yata.)

Ang I HEART YOU PARE ay kakaumpisa lang, so wala muna ako comment.  Ang alam ko lang, ang show na ito ay ‘yung tipong show na ‘di papanoorin ng mga bading dahil lahat ay busy na nagte-take-ng-calls o ‘di kaya ay kasalukuyang nasa yosi break at walang TV sa pantry o ‘di kaya ay nakikitira sa bahay ni Otso.  Ito rin ang show na siguradong magsasawa akong sasagot sa tanong ni Adelaida na, “Babae ba ‘yan?”

Ang KRISTINE ay sigurado ako ay tungkol sa premarital sex at malalanding babae.  Tungkol din ito sa awayan ng dalawang pamilya na sa huli ay natutuloy din sa premarital sex.  Tungkol din ito sa hubad na katawan ni Rafael Russell at ni Zanjoe Marudo.  Tungkol din ito sa kagustuhan ng mga babae sa show na ipakita ang hubad nilang katawan.

Ang THE BAKER KING ay tungkol sa isang pinasosyal na panadero.  Ito rin ay maituturing ng ilan na kapag mag-uumpisa na eh sinyales na para matulog (o ginabi yata si Mister).  At malay ko ba kung tama ‘yung dubbing na ginagawa nila tungkol sa kwento, kaya ‘di na lang ako mag-ko-comment.   Ang boses ng kumanta ng theme song nito ay parang ungol ng isang ginigilitang baka.

Advertisements

5 mga puna

  1. Super gigit on Imortal!


  2. napadaan lang at nagbasa ng marami. bkit parang mejo may pagka-bading yung tema ng pagsulat?


    • dear olec,

      salamat sa pagdaan. at kahit na ba hindi ako sigurado kung nagustuhan mo ang mga nabasa mong “marami”, eh maraming salamat na rin sa pagdaan.

      tungkol sa tanong mo na parang “may pagka-bading yung tema ng pagsusulat”, eh natural lang na maisip mo ‘yun dahil natural talaga akong pakiliamero at makomento. lol saka sandali nga, may problema ka ba kung “may paka-bading ang tema ng pagsulat”? isa ka bang homo– ano nga ba tawag dun? homo-husga?

      salamat sa pagdaan. balik ka ulit, wala namang bayad. 😀


      • nah, dont get it wrong. your blog is nakakatuwa lalo na sa mga anecdotes mo about your mom.

        it just the way you write kasi are some of the style of gay guys. so you’re not gay?


  3. well, i’d like to read ‘yung mga sinusulat ng mga “gay guys” na apparently ay kagaya kong “just the way i write” (hindi ba kanta ‘yun? *kamot ulot*) and see kung may pagkakahawig nga.

    anyway, am i gay? i’m a blogger. 😀 kung ang susunod mong tanong ay kung may digital SLR (o kung anu man tawag dun sa mga mamahaling digicam) eh wala ako nun. lol

    alam mo, dapat sa email tayo nag-uusap. pero salamat sa pagdaan. isa ka na bang fan ni adelaida? 😀



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: