Archive for Pebrero, 2012

h1

Mga Tulendoy na Search Terms

Pebrero 21, 2012

Mag-aapat na taon na ang aking blogsite sa March 15 (Congats, Rai).  Hindi ko man balak mag-celebrate at ipag-pancit (for long life) ang aking blogsite eh naisipan kong magbalik-tanaw sa mga napasyal sa site na ito at kung paano nga ba nila nahanap ito sa tulong ng mga search terms na ginamit nila sa tulong ng mga search engines gaya ng Google at Yahoo.

Para sa kaalaman ng karamihan, hindi ako naglalagay ng “tags” na tuwirang nakakatulong sa mga gustong maghanap ng mga specific na topic gamit ang mga search engines.  Ang akin lang eh nagsulat na ako; kayo na mamroblemang maghanap sa kung anu man mga pinagsasabi ko.  Kaya lang, sa aking pagbabalik-tanaw sa mga ginamit na search terms sa nakaraang apat na taon, parang mas maganda yata kung noon pa man ay nahilig na ako sa paglalagay ng mga naayon na tags.

Narito ang ilan sa mga paborito kong search terms na ginamit ng mga nadaan sa aking blogsite at kung ilan mismo ang gumamit ng nasabing search terms

Origin:  * personal peborits ko

ANNE CURTIS, 1,238 views

PAGKAIN, 852 views

*PAG-AALAGA NG BIBE, 138 views

*KULUNGAN NG KAMBING, 48 views

MAYABANG, 48 views

SAM MILBY AND PIOLO PASCUAL, 45 views

PAGKAIN NG AMERICANO, 45 views

NAKAKADIRING LARAWAN, 28 views

NAKAKATAKOT NA IMAHE, 28 views

ANG KWENTO NI PINOKYO, 27 views

LARAWAN NG BIBE, 25 views

BABAENG WALANG DAMIT, 24 views

LALAKING BAYARAN, 24 views

PINAPALO, 23 views

EGYPTIAN MONKEY, 23 views

SOLICITATION LETTER FOR CHRISTMAS PARTY, 23 views

ANGEL LOCSIN TOPLESS, 23 views

PAG-AALAGA NG KAMBING, 21 views

*BATANG PINAPALO, 18 views

SUSO NI ANNE CURTIS, 18 views

I SECOND DEMOTION, 17 views

PAGKAIN NG HINDU, 16 views

*EPEKTO NG PAGGAMIT NG FACE POWDER SA MUKHA NG TAO, 16 views

MALASWANG BABASAHIN, 15 views

ANNE CURTIS SUSO, 14 views

PAGSUSUGAL, 13 views

PAGPAPASTOL NG TUPA, 13 views

LARAWAN NG MGA ITA, 12 views

PAGGAWA NG PULBURA, 12 views

LUMUWAS, 12 views

NANGANGANAK NA CESARIAN, 11 views

MAJUBIS, 11 views

*LARAWAN NG KULUNGAN NG KAMBING, 11 views

*LARAWAN NG MANOK NA GALIT, 11 views

LARAWAN NG NAGDODROGA, 10 views

PAGTADTAD, 10 views

PAG-AALAGA NG KAMBING, 9 views

PAG-AALAGA  NG MGA BIBE, 9 views

MGA NAKAKALITONG TANONG, 9 views

PIOLO BAKLA, 9 views

EL DIABLO NOODLES, 9 views

*STORYA NG BATANG HINDI LUMALABAS NG BAHAY, 8 views

MAAGANG PAGAASAWA, 8 views

*MASAGANANG PAMAYANAN, 8 views

SOLICITATION LETTER TAGALOG, 8 views

PINAGNANASAHAN KO SI MOMMY, 7 views

ANNE CURTIS LUMABAS ANG SUSO, 7 views

SAM MILBY BAKLA, 7 views

MGA BATANG PINAPALO, 7 views

*PAG-AALAGA NG BIBE AT HIPON, 6 views

*MASAYANG PAMAYANAN, 6 views

HALIMBAWA NG NAGBABALITA, 6 views

PITONG KULAY NG IBONG ADARNA, 6 views

PAGPUNA SA MGA DETALYE, 6 views

RELIHIYON NG MGA AMERIKANO, 6 views

NAGNAKAW NG CELLPHONE PIC, 4 views

*TAMANG KULUNGAN NG KAMBING, 2 views

BULLY SA ESTUDYANTE, 2 views

TAWA LANG NG TAWA, 2 views

*ISDANG TANGA, 2 views

*ANG PEKPEK NG BABAE, 1 view

*HINDI KO KAYA PAG WALA KA SA BUHAY, 1 view

PIOLO PASCUAL BAAY BADING (sic), 1 view

*IISANG LARAWAN PERO 3 HAYOP, 1 view

Advertisements
h1

Una (a short short story)

Pebrero 20, 2012
 
 
At kung bigyan man ng pagkakataon,
Ay uulit-ulitin, babalik-balikan,
Pasasaan ba’t nandiyan ka lang,
Marahil ay naghihintay, marahil ay nagmamahal…
rcd-022112
 
 

Ilang yosi na rin ang naubos niya sa kahihintay na magbalik ang taong kinasama niya ng ilang taon.  Marahil iniisip niya na kung anu mang away nila sa pagkakataong ito ay daraan lang gaya ng mga nauna nilang hindi pagkakasusunduan; magngingitian, magtatawanan, at sa huli ay itutulog na lang, gaya ng malimit mangyari.  Ngunit may ilang araw na rin siyang naghihintay.  Kung makakapagsalita lang ang mga upos ng sigarilyo ay sila na mismo ang magsasabing hindi na siya babalik.

Habang lumalalim ang gabi ay paunti-unti niyang natatanggap na marahil ay ito na nga ang hangganan ng kanilang masayang pagsasama, na lahat ng kanilang mga pangarap ay kailangan na nilang kalingain na magkahiwalay, mag-isa.

May kung ilang oras na niyang iniisip kung kasalanan nga ba niya at humantong sa ganito ang kanilang pagsasama.  Nasa rurok na siya ng pag-iisip na malamang siya ang dapat sisihin.  Kailan pa ba siya naging tama, ‘yun ang kanyang naisip.  Ngunit naisip din niyang ngayon pa ba siya magbibilang ng sala, ngayon pa ba siya magkukumpara ng mga nagawa at nakaligtaang gawin, ngayon pa ba siya magsusumamong ibalik ang dati.

Lumabas siya ng bahay at bumili ng yosi sa malapit na tindahan.  Ang unang ng tanong ng tinderang ale ay kung bakit hindi niya kasama ang kanyang Mahal.  Nangiti lang ito at bumalik ng bahay.  Ganun na ba katagal at pati ang mga kapitbahay ay alam ang tungkol sa kanila, kanyang naitanong sa sarili.  Tuwing bibili ba siya sa tindahan simula sa araw na iyon ay laging hahanapin ang kanyang kinasama?  Araw-araw bang parang basag na salamin na ihahagis sa kanyang harapan ang kanilang hindi pa tukoy na paghihiwalay?

Lalalim ang gabi, ganun din ang kanyang hinagpis.  Kasabay ng pagdilim ay ang kanyang pagbabalik-tanaw sa mga aalaala noong magkasama pa sila. Paano nga ba sila nagkakilala, ‘yan ang kanyang pilit binabalik sa kanyang pagmumuni-muni sa sala.  Naalala niya rin na pagkatataon na maituturing nang sila ay magkita, magkakilala.  Naalala niyang bago niya nakilala ang kanyang kinasama ay simple lang ang kanyang buhay; maliban sa maya’t-mayang panghingi ng pera ng kaniyang mga kaanak, wala naman siyang partikular na pinroblema sa buhay. 

Ninais niyang maging matatag sa mga oras na iyon, ngunit gaya ng tadhana ng kanilang pagmamahalan, ay gumuguhit na ang mga luha sa kanyang mga mata.  Kayo ko ’to, ang pilit niyang nabubulalas.  Ngunit sumandali pa ay umayon na rin siya sa lumbay, sa pangungulila, sa animo’y walang-hangang agos ng kanyang mga luha.  Ito na marahil ang kanyang huling pagyakap sa kanyang kalungkutan, ang huling yugto bago ang tuwirang pagtanggap ng pagtatapos ng isang pagmamahalan.

Bibilang pa ng oras bago tumila ang kanyang pagtangis hangang pati ang kanyang hinagpis ay kanya nang makakatulugan.  Gigising siyang gutom, uhaw, at pagod.  Ngunit babangon siyang nakangiti, masaya, at dala ang pangarap ng bagong pagmamahal.  Hindi ito ang kanyang katapusan.  Sa kabilang banda, ito ay simula pa lamang ng kanyang bagong pag-asa upang makahanap ng tunay at wagas na pagmamahal.  Sa kanyang isip, ‛Ito lang ang una; ito ay masusundan pa.’*

463 words

***

Para sa iyo ito, sa iyo na tumangis ngunit nagmahal; sa iyo na walang hangang hinahanap ang kalinangan ng iyong mga kakayahan; para sa iyo ito, ikaw na nagpatunay na marahil ay mali ako.

h1

American Idol Commentaries (Parents Edition)

Pebrero 20, 2012

Kainitan ng paghahanap na naman ng American Idol, at bilang isang proud Pinoy ay buong-buo ang aking suporta sa nasabing talent showHee Jun Han for the win! Lol

Idol commentaries by:   ADELAIDA (Credential:  Mutya ng Pampanga 38th runner-up 1970)

“Bakit puro matatanda yata ang nakapasok sa Hollywood week?”

“Madaming panget ngayon, ‘yung parang halos lahat ng nakasali eh panget.”

“Bakla ba yang si Steven Tyler?”

”Mas gusto ko pa rin pinapanood ang American Idol nung nandun si Simeon.”

For the record:  Simeon?  Ito yata ’yung dating nurse na naging lider ng sindekato sa Munting Heredera (GMA Drama primetime).

Idol commentaries by:   DYISAS SENIOR (Credential: Barangay Tom Jones Look-a-like Videoke Contest 9th Placer 2001)

Habang nanonood ng American Idol Season 11 Hollywood week:

Dyisas Senior:  Ang galing, kaboses niya ‘yung singer na bulag. (Meaning, Stevie wonder.)

Rai:  Ah, si Willie Garte?

Dyisas Junior:  (Tawa lang ng tawa)

Dyisas Senior:  Oo, ‘yung bulag. (Umo-o naman talaga eh noh?)

Rai:  ‘Yung kumanta ng “Bawal na gamot”?

Dyisas Senior:  Oo.  (Oo pa rin talaga ang sagot.)

Rai:  ‛Yung nasagasaan yata or something – basta ‘yung patay na?

Dyisas Senior:  Hindi, buhay pa.

Dyisas Junior:  (Tawa lang ng tawa)

Rai:  Baka naman si Stevie Wonder ang ibig mong sabihin?

Dyisas Senior:  ‘Yun nga sinasabi ko.

Rai:  Wow.  Oo nga naman.*

h1

Wala akong problema, may problema?

Pebrero 20, 2012

Gusto kong isiping bumebwelo lang ako, na marahil ay naghahanap lang ako ng tyempo upang sipagin na magsulat.  May kung sinong nuknukan ng yabang na nagsabi/nagpauso na kapag masipag kang magsulat, hindi problema ang topic, ‘yung para bang kaya mong isulat lahat, na para bang inuutot mo lang ang mga ideya sa iyong isip.  Ang duda ko eh may opinyon ang taong nagsabi noon sa lahat ng bagay at kalimitan ay nababayaran siya sa pagsusulat dahil ubod siya ng galing (papuri at hindi sarcasm, maniwala ka).  Ganun din ako marahil, ma-komento, ma-opinyon; ngunit dahil hindi naman ako binabayaran para magsulat, ang binubulong ng isip ko eh, “Abnoy, ‘wag ka ngang ma-pressure.  Hindi mo ikamamatay kapag ‘di ka nagsulat.  Nakaka-bobo, yes, pero hindi nakamamatay.”

Ramdam ko ngayon eh parang hindi na lahat ng bagay eh gusto kong problemahin o gusto kong magkakomento.  Ang totoo nito, ang sa akin lang, eh wala na akong pinoproblema; hindi na rin ako magagalitin.  Malimit mangyari ay kapag nagsulat ako ng isang bagay eh dahil gusto ko itong problemahin, ganun lang kasimple.  Kung gusto ko lang magkaproblema ngayon eh madali lang:  iisipin ko lang kung para saan ang Twitter (at least sa buhay ko) at kung paano nakakadali sa buhay ng tao ang touchscreen technology.  Kung may katuturan man sa buhay ko ang aking mga sinusulat eh hindi ko na rin iniiisip at/o pinoproblema ‘yun.  Nagsusulat na lang ako ngayon, “for more” (sabi nga ng barkada).

Ang akin lang, hindi man normal sa isang tao ang walang problema sa buhay, hindi rin naman ito imposible.  Kung wala man akong problema sa buhay, hindi naman ito ‛yung tipong ultimate enlightenment, na para bang pwede na akong mamatay anu mang oras, ‛wag naman ganun.

Kung tutuusin ay dapat matuwa ako sa ideya na wala akong problema, na hindi ako malungkot, na hindi ako nagtatampisaw sa negative vibes.  Mahirap paniwalaan, pero totoo; mainggit na ang mainggit. Belat!*

h1

Pambihira Moments

Pebrero 20, 2012

Hindi na mahirap isipin na kung ang tawag sa produkto eh “mga gamit sa balat” eh natural lang na may sale ang mga ito. Tama? Lol

Nagtitipid sa pamasahe o nagpapa-practice ng balancing para makasali sa mga palabas sa mga perya?

Paki-flash ang alin? Wtf? Lol

Noong makita ko ito, hindi ko alam kung malaswa ba ang konstekto nito, kasi naman i-fa-flash mo naman talaga ‛yun.  Paano ka wiwiwi kung ‘di mo ifa-flash?  Naghanap din ako ng hidden camera baka ito mismo ang ibig sabihin, na ipakita ito ng tuluyan sa kung sino mang nakikiusap na i-flash ang kung anu/alin man.

Dito pumapasok ang konek sa aking peborit movie na “The Mummy”. Lol

Makapag-drawing lang eh noh?