Archive for the ‘inferiority complex bucket’ Category

h1

Ang Kare-Kare

Enero 17, 2010

Kabi-kabila ang mga okasyong pinupuntahan ng aking pamosong Nanay.  At sa isang okasyon, kahapon, naipagkalulo niya akong maging bahagi ng isang 50th birthday party ng asawa ng bestfriend niya (meaning, hindi ko na kilala at hindi ko na pag-aaksahan ng panahon kung hindi lang ako mataimtim na pinakiusapan.)

Bago pa kayo mag-isip ng kung anu ang ginawa ko sa party, hindi ako nag-magic o nag-clown.  Pinagawan ako ni Mama ng isang multi-media presentation at mga maliliit na detalye ng party na sa kasamaang-palad ay hindi alam ayusin ng may okasyon.  Pero hindi ito tungkol dun.

Tuloy ang kwento.  Kalagitnaan ng okasyon nang may dumating na ate na posturang-postura na itago natin sa pangalang Angie (dahil hindi ko talaga alam ang pangalan).  Sa pagdating ni Angie, nilapitan ako ni Tita G, isa sa miyembro ng Desperate Housewives (meaning, ang barkada ni Mama).  Si Tita G ay ‘yung tipong napagkakamalang dating nag-Japan o kung masugid kang manonoood ng Desperate Housewives, siya si Edie Britt (Nicolette Sheridan), ‘yung laging may landi-factor sa lahat ng kilos.

Tita G:  Mas maganda ako sa kanya, ‘di ba, Yan? (tinutukoy si Angie)

Rai:  Ay, oo naman! (At hindi ako nagsisinungaling ng mga oras na iyon.)

Tita G:  Magandang maganda! (sabay pumunta sa may videoke at kumanta ng “Hero” ni Mariah Carey.)

Nagpatuloy ang party at ginawang tubig ni Mama at ng kanyang barkada ang red wine sa may bar (na sa ‘di ko malamang dahilan, hindi nauubos, promise.)

Mayamaya pa ay pinilit na kumanta si Angie.  Noong una ay nahihiya pa ito at animo’y sinasabing, “Naku, ‘wag na po, hindi po ako marunong kumanta” pero sa kalaunan ay kinuha din ang mic at kumanta (at nag-inarte pa sa volume at tempo at may bitbit na papel na may nakasulat na numbers ng mga kakantahin).

Kumanta si Angie.  Patay si Tita G, biretera pala itong si Angie.  Kumanta si Angie ng isang Regine song, at sauladong-saulado niya ito at tinaas pa ang version.

Lumapit si Tita G sa akin.

Tita G:  Sigurado ako, GRO ‘yan.  Tingnan mo naman manamit.  Ang baduy!  Ang cheap!

Rai:  (Tawa lang ng tawa)

Tita G:  Maputi lang siya sa akin, pero mas maganda ako sa kanya!

(At nagpatuloy ang pag-inom ng Desperate Housewives at walang-habas na pinagtsismisan ang bumibirit na si Angie.)

Hindi pa tumigil sa Angie sa pagkanta.  Sumunod na kinanta niya ay Ikaw (na sa videoke ay Ikaw Ang Bigay Ng Maykapal ang titleWeird).  Habang kumakanta sa tabi ng buffet table, may kung sinong lalaki (na kasama marahil ni Angie) ang walang-habas na kinukunan siya ng picture. Tuloy ang pagkanta ni Angie at pangiti-ngiti pa sa camera.

Lumapit muli si Tita G sa akin.

Tita G:  Yan, talo lang ako sa boses, pero hindi sa ganda!

Rai:  Ay, oo naman!

Tita G:  Patigilin niyo ‘yan sa pagkanta kung hindi magwo-walkout ako!  Naku, aalis talaga ako!

Rai:  Tita, ‘wag ka ng mag-walkout. Tandaan mo, kahit gaano ka pa kaganda at kagaling kumanta, hindi rin makikita ’yun lalo na kung katabi mo sa picture ay kare-kare.

(Namatay lang sa kakatawa si Tita G at animo’y nakuntento sa idea na nakakahiya nga namang bihis na bihis kang kumakanta pero ang sa background mo ay kare-kare, ulo ng lechon, at kung anu-ano pang putahe.)

Matapos kumanta sa pangatlong pagkakataon (matapos kumanta ng sauladong-sauladong Listen ni Beyonce), natigil ang pagkanta ni Angie, siya namang pagtanggal ng kare-kare sa buffet table, kung bakit nagsabay ay nagkataon lang o nagkataon nga lang ba?

***

Balak i-upload ni Tita G ang picture ni Angie (na may kare-kare background) at lagyan ng title na, “Mas maganda ako sa iyo.”  Hindi ko lang alam kung tinuloy niya ang balak niya.

And yes, Tita G, mas maganda ka talaga ka sa kanya.

h1

Hindi na ako Kakanta

Abril 23, 2008

Dahil sa hindi ko napanood ang American Idol (Top 6 performances), pinili ko na lang manood sa Youtube.com, ang napakabait na website na walang pakundangan mag-post ng mga nakaw, mga ninanakaw, at nanakawin pang mga videos galing sa kung saan saan. *clap clap* para sa Youtube.com

Dahil sa hinayupak na David Cook at ang kanyang rendition ng kantang “The Music of the Night,” na ayon naman sa napakabait na Answers.com ay, and I quote,

The Music of the Night” is a song from the musical The Phantom of the Opera. It is one of the show’s most famous songs and one of Broadway’s most famous songs as well. The popular song has sold millions of copies worldwide and has been translated into many different languages. The music was written by Andrew Lloyd Webber and the lyrics were written by Charles Hart. The song was made famous by Michael Crawford, the actor who originated the role of the Phantom both in London and on Broadway, unquote.

Ito ang version na naisama ‘di umano (malay ko ba?), sa nasabing musical, ang “The Phanthom of the Behind-the-Mask-Chikie-Siya.” Maganda naman ‘yung song.

It furthers… (“It furthers” pala eh, ‘yun ‘yun eh! lolz)…and again, I quote, Sarah Brightman declared, at the London’s Royal Albert Hall Concert in 1997, that the song was originally written by Andrew Lloyd Webber for her, the first time he met her. It was later added into the Phantom of the Opera musical, unquote.

Ito naman ang version ng super ganda-gandahang si Sarah Brightman, o tawag nga ni Otu (friend) kay Sarah Brightman ay “Harem.” lolz

Gamit ang (again) Youtube.com, nahanap ko rin ang version ni Josh Groban, ang aking pinakamamahal na si Joshy Woshy Grobany.

At ang panghuli (at ang dahilan kung bakit hindi ko na susubukang kumanta pa at magpanggap na kinakarir ko ang pagkanta sa mga “videokehan,” na sa totoo lang ay walang-habas lang ako nagpapa-cute [kung may nagpapa-cute din]) ay ang nakakaantig (huy, tao din ako ako, kunwari may feelings.lolz) at nakakapikon (huy, di naman bawal mapikon.) ni David Cook ng pamosong kanta na ‘di umano ay sinulat para kay “Harem.” (‘Di ba, Otu? lolz)