Archive for the ‘listahan’ Category

h1

On Everthing Pwera sa Sun Volume 2

Oktubre 10, 2012

ON A SUNNY DAY

Ang mga taong naka-sunglasses (kahit wala naman sa kainitan ng araw o naglalalakad sa runway at nagmomodelo) ay mga taong malamang ay nakatira sa liblib na lugar at nasisilaw sa kabihasyan sa syudad.  O baka naman callcenter agents ang mga ito at pauwi na?

ON GIVEAWAYS

Malaking bahagi ng mga “kalat” sa inyong bahay (kaya nagmumukha kayong hoarder) ay kasalanan ng nanay mong mahilig mag-ipon ng mga giveaways na pinamimigay (kahit ayaw mo naman talagang kunin) sa birthday partiesdebut, kasal, lamay, babang-luksa, at marami pang okasyon.

ON PRINCESS AND I

Ang mga nanonood ng programang The Princess & I ay wala talagang pakialam sa kwento at hinihintay lang ipakita si Enrique Gil at ‘yung payat na batang kabuhok ni Justin Bieber (na pamangkin pala nung “bebot” na hinulma yata ang jawline gamit ang cutter).  Ang iba naman ay hinihintay lang ang kakatwang accent ni Grechen Barreto sa nasabing programa.  Anong accent nga ba ‘yun?  (Venn, thoughts?)

ON CHINESE FOOD (may konek to, promise)

Kaladkarin ang isang taong mahalikan lang ay nagpapa-take-home.  Kung hindi man kaladkarin, ito malamang ay isang puta.  Malaki din ang tsansang ito ay kombinasyon ng dalawang nabanggit:  isang kaladkaring puta.

ON VICE GANDA JOKES

Nakakatawa si Vice Ganda.  Nakakatawa rin ang jokes niya.  At dahil nakakatawa ang jokes niya, naglipana ang mga text at kwento ng mga tao na kung tutuusin ay pag-uulit lang ng jokes ni Vice Ganda.  Ang theory ko eh nakakatawa lang ang jokes ni Vice Ganda kapag dalawang beses mo pa lang itong naririnig.  Kapag inulit ito ng iyong kaibigan sa pangatlong beses, ito bumo-borderline baduy na.

ON KALYO

Hindi lahat ng may kalyo sa kamay ay masipag.  May ilan na marahil ay pinipilit magtrabaho at inaalipusta kaya nagkakakalyo.  Huwag ding isipin na lahat ng inaalipusta ay kasambahay.  Hindi rin lahat ng sinusulat ko ay nasa tuwid na landas (no pun intended); may mga pagkakataon din (gaya ngayon) na mula sa kalyo eh nauwi sa inaaalipustang kasambahay ang sinusulat ko.

ON SIGNAGES

Kapag may nakita kang nakasulat na “bawal umihi dito”, umasa kang mapanghi dun ay may umihi na.  Umasa ka rin na kahit may nakasulat na doon ay wala pa ring habas ang pag-jingle ng mga lalaki dun.  Walang babaeng jumi-jingle sa mga lugar na may nakasulat na “bawal umihi dito”.  Kung may makita kang babaeng jumi-jingle sa mga ganung lugar, asahan mong isa itong tulendoy.

ON TRIPPIN’

Tandaan na walang babae (kahit na ba super lasing ito) ang pagtitripan (meaning, pagsususuntukin) ng mga umiinom na grupo ng kalalakihan.  Hindi rin kailangan matakot ang mga babae na makasalubong ng mga lasing na lalaking mukhang takaw-away.  Ang kailangang isipin ng mga babae ay kung ang mga lasing na makakasalubong ba ay ‘yung mga tipong typical na goons noong panahon na uso ang mga action movies at walang atubi kung mandukot ng babae at manggahasa.

ON BIKER DYISAS

Iilan lang ang motorcycle na gamit ng Pinoy na walang nakabalunbon na rosaryo sa may manibela;  karamihan sa mga ito ay may nakasabit na rosaryo, na animo’y ito ang magiging proteksyon nila kahit magmaneho sila ng lasing at/o walang helmet.  Ito marahil ang nagbunsod sa pagkakasulat ng Jesus, the wheel na kinanta ni Carrie Underwood.*

***

Magbalik-tanaw sa On Everthing Pwera sa Sun Volume 1

Advertisements
h1

Mga Tulendoy na Search Terms

Pebrero 21, 2012

Mag-aapat na taon na ang aking blogsite sa March 15 (Congats, Rai).  Hindi ko man balak mag-celebrate at ipag-pancit (for long life) ang aking blogsite eh naisipan kong magbalik-tanaw sa mga napasyal sa site na ito at kung paano nga ba nila nahanap ito sa tulong ng mga search terms na ginamit nila sa tulong ng mga search engines gaya ng Google at Yahoo.

Para sa kaalaman ng karamihan, hindi ako naglalagay ng “tags” na tuwirang nakakatulong sa mga gustong maghanap ng mga specific na topic gamit ang mga search engines.  Ang akin lang eh nagsulat na ako; kayo na mamroblemang maghanap sa kung anu man mga pinagsasabi ko.  Kaya lang, sa aking pagbabalik-tanaw sa mga ginamit na search terms sa nakaraang apat na taon, parang mas maganda yata kung noon pa man ay nahilig na ako sa paglalagay ng mga naayon na tags.

Narito ang ilan sa mga paborito kong search terms na ginamit ng mga nadaan sa aking blogsite at kung ilan mismo ang gumamit ng nasabing search terms

Origin:  * personal peborits ko

ANNE CURTIS, 1,238 views

PAGKAIN, 852 views

*PAG-AALAGA NG BIBE, 138 views

*KULUNGAN NG KAMBING, 48 views

MAYABANG, 48 views

SAM MILBY AND PIOLO PASCUAL, 45 views

PAGKAIN NG AMERICANO, 45 views

NAKAKADIRING LARAWAN, 28 views

NAKAKATAKOT NA IMAHE, 28 views

ANG KWENTO NI PINOKYO, 27 views

LARAWAN NG BIBE, 25 views

BABAENG WALANG DAMIT, 24 views

LALAKING BAYARAN, 24 views

PINAPALO, 23 views

EGYPTIAN MONKEY, 23 views

SOLICITATION LETTER FOR CHRISTMAS PARTY, 23 views

ANGEL LOCSIN TOPLESS, 23 views

PAG-AALAGA NG KAMBING, 21 views

*BATANG PINAPALO, 18 views

SUSO NI ANNE CURTIS, 18 views

I SECOND DEMOTION, 17 views

PAGKAIN NG HINDU, 16 views

*EPEKTO NG PAGGAMIT NG FACE POWDER SA MUKHA NG TAO, 16 views

MALASWANG BABASAHIN, 15 views

ANNE CURTIS SUSO, 14 views

PAGSUSUGAL, 13 views

PAGPAPASTOL NG TUPA, 13 views

LARAWAN NG MGA ITA, 12 views

PAGGAWA NG PULBURA, 12 views

LUMUWAS, 12 views

NANGANGANAK NA CESARIAN, 11 views

MAJUBIS, 11 views

*LARAWAN NG KULUNGAN NG KAMBING, 11 views

*LARAWAN NG MANOK NA GALIT, 11 views

LARAWAN NG NAGDODROGA, 10 views

PAGTADTAD, 10 views

PAG-AALAGA NG KAMBING, 9 views

PAG-AALAGA  NG MGA BIBE, 9 views

MGA NAKAKALITONG TANONG, 9 views

PIOLO BAKLA, 9 views

EL DIABLO NOODLES, 9 views

*STORYA NG BATANG HINDI LUMALABAS NG BAHAY, 8 views

MAAGANG PAGAASAWA, 8 views

*MASAGANANG PAMAYANAN, 8 views

SOLICITATION LETTER TAGALOG, 8 views

PINAGNANASAHAN KO SI MOMMY, 7 views

ANNE CURTIS LUMABAS ANG SUSO, 7 views

SAM MILBY BAKLA, 7 views

MGA BATANG PINAPALO, 7 views

*PAG-AALAGA NG BIBE AT HIPON, 6 views

*MASAYANG PAMAYANAN, 6 views

HALIMBAWA NG NAGBABALITA, 6 views

PITONG KULAY NG IBONG ADARNA, 6 views

PAGPUNA SA MGA DETALYE, 6 views

RELIHIYON NG MGA AMERIKANO, 6 views

NAGNAKAW NG CELLPHONE PIC, 4 views

*TAMANG KULUNGAN NG KAMBING, 2 views

BULLY SA ESTUDYANTE, 2 views

TAWA LANG NG TAWA, 2 views

*ISDANG TANGA, 2 views

*ANG PEKPEK NG BABAE, 1 view

*HINDI KO KAYA PAG WALA KA SA BUHAY, 1 view

PIOLO PASCUAL BAAY BADING (sic), 1 view

*IISANG LARAWAN PERO 3 HAYOP, 1 view

h1

Dyip Dialogues

Hunyo 10, 2011

Narito ang ilan sa mga nakakatuwang usapan na napakinggan ko sa dyip (pasensya na, tsismoso lang):

***

Magkaklase, mukhang hayskul students, at pauwi na mula sa klase.

Hayskul 1:  Ay, patay, nakalimutan kong bilhin ‘yung pinapabili ng nanay ko.

Hayskul 2:  Ano naman ‘yun?

Hayskul 1:  Nakalimutan ko ano tawag dun.  Ano nga ba ‘yun?  ‘Yun ano –  ‘yung – ano kasi ‘yun?

Hayskul 2:  (Nag-suggest ng kung anu-ano).

Hayskul 1:  Alam ko na!  Nagpapabili pala nanay ko ng panglanggaw!

Hayskul 2:  Ay, oo nga, ano nga ba tawag dun, ’yung panglanggaw na madikit? (Pinroblema na rin talaga ng kaklase.)

Hayskul 1:  Basta sabi ni nanay sabihin ko raw sa drugstore ’yung panglanggaw.

(At sa drugstore talaga bibilhin ‘yung panglanggaw. Pambihira.)

***

Mukhang magkumare, galing sa pamamalengke na malamang ititinda sa kanyang maliit na sari-sari store.

Mare 1:  Mare, ano pinamili mo?

Mare 2:  Konti lang, yosi at patis at toyo.

Mare 1:  Nakow, ano binili mong patis?

Mare 2:  ‘Yung Rufina. (You’re welcome, Rufina.)

Mare 1:  Ay binili mo ‘yung kulay red.

Mare 2:  Bakit?  Eh ano kung red?

Mare 1:  Dapat binili mo ‘yung green ‘yung takip.

Mare 2:  Eh pareho lang naman ‘yun.  Patis din ‘yun, mare.

Mare 1:  Hindi.  Mas masarap ’yung green.  Saka ’yang red na ’yan, mabaho.

Mare 2:  Pambihira ka, mare, may patis bang mabango?

(Apir tayo, Mare 2!lol)

***

Mag-ina; ‘yung bata nasesermunan dahil nadumihan ang suot na school uniform.

Nanay:  Pambihira, ang likot-likot mo kasi!  Putangina, natapon na ’yung fishball!  Sabi na kasi sa bahay mo na kainin! *kinurot ang anak*

Anak:  (Umiyak lang, mas natapon pa ang sauce ng fishballs sa uniform)

Nanay:  ‘Yan, tangena, natapon na halo-halo ko!

(Gusto ko rin kurutin si Nanay sa pagkain ng halo-halo sa dyip.)

***

Magkaklase; college students; maaarte kahit hindi naman magaganda; kasalukuyang naiinitan.

Maarte 1:  Ang init!

Maarte 2:  Oo nga!

Maarte 1:  Gosh, it’s so init.

Maarte 2:  Grabe.  Bakit kaya ‘yung mga carabao hindi pinagpapawisan?

Maarte 1:  Huy, ano ka, pinagpapawisan kaya sila.

(Sarap saktan.)

h1

On Angelo Reyes

Pebrero 9, 2011

Ang pagdudahan ang isang taong namayapa na, sa kung anu man ang kanyang mga nagawang anomalya ‘di umano, sa tingin ko ay isang indikasyon na:

a.  may mga taong inip lang talaga sa buhay.

b.  marami ang gusto lang talagang magpanggap na may opinion at nagmamarunong

c.  may mga taong natural na may galit sa kahit sinong namatay

d.  may tinatagong lihim na pagtingin sa namayapang heneral

e.  may mga taong ayaw ng may namamatay at gusto imortal lahat ng tao sa mundo/bansa

f.  all of the above.

Narito ang naisip kong 10-step solution sa mga taong hangang ngayon ay nuknukan pa rin ang gigil sa pagpapakamatay ni Angelo Reyes.

1.  Hintayin niyong ilibing ang kanyang mga labi.

2.  Humanap ng mga kagaya niyong galit sa mundo at pumunta sa kanyang pinaglibingan.

3.  ‘Wag kalimutang magdala ng pala (o kahit anong epektibong panghukay)

4.  Buksan ang kabaong.

5.  Kunin ang bangkay ng yumaong heneral.

6.  Tantarin ang katawan nito ng pinong-pino.

7.  Isilid sa sako ang natatadtad na katawan.

8.  Sabuyan ng gaas ang sako.

9.  Pagliyabin ang sako.

10.  Hintaying masunog hangang maging abo ang sako at laman ng sako habang kumakanta ng “Heal our land” ni Jamie Rivera.

Kung hindi pa kayo nakuntento sa nasabing 10-step solution eh kailangan niyo na ng anger-management intervention.

Ang akin lang, kung kaya nating magkaroon ng opinyon sa mga bagay-bagay na sa kung tutuusin ay wala naman tayong alam/pakialam (maliban sa ibinabalita sa TV), kaya din siguro natin bigyan ng tamang respeto ang sinumang yumaong kung tutuusin ay wala namang direktang kinalaman sa buhay natin, sa kung ano tayo ngayon, sa kung may trabaho ka pa ba tayo matapos niyang mamatay, at sa kung ano ba talaga ang totoong nangyayari at kung ano ang gagawing hakbang tungkol dito.

Ang akin lang, ano ba gusto nating mangyari, ang mabuhay si Angelo Reyes at mag-sorry (assuming may ginawa siyang labag sa batas)?  Akala ko ba Diyos (kung meron man) ang humahatol sa mga namayapa na?  Bakit tayo nagpapataasan ng ihi sa kung ano ang hiwaga sa likod ng kanyang pagkamatay?  Pinoproblema mo ba talaga ito, pare ko?  Utang na loob.

h1

Tungkol saan ang pinapanood mo? (Primetime Edition)

Pebrero 8, 2011

Bilang “tulong” sa mga nakakaligtaang manood ng TV (o walang TV sa bahay gaya na lang ng kaibigan kong si Otso), narito ang ilan sa mga pinapalabas sa primetime at kung tungkol saan ba ang mga ito o kung ano ba talaga ang kwento.

Ang NOAH ay hindi tungkol sa tagasunod ng sinaunang Diyos na inutusan niyang gumawa ng arko.  Ito ay ang Filipino version ng Jungle Book o parang ganun ang gusto nilang palabasin, maliban na lang sa tuwing magtatagalog ‘yung mga taong-unggoy ay nagkakaintidihan sila, pero kapag tao na ang kausap ay hindi maintidihan, at ang klarong gustong ipahiwatig ay tanga ang mga manonood at hindi marunong magbasa ng subtitle kung sakali.  Tungkol din ito sa katotohonang kahit bading ay pwedeng magpulis, gaya na lang ni P – PO1 something.

Ang DWARFINA ay tungkol naman sa mahahabang pulang pilik-mata ni Angelica Dela Cruz at Pauline Luna at kung paanong ang kalandian noong bata ka pa ay pwedeng dalhin hanggang tumanda (gaya na lang sa karakter ni Iwa Moto).  Tungkol din ito sa ideya na nakakadiring isipin kung paano ang mangyayari kapag nag-asawa ka ng dwende o kung dwende ka at mag-aasawa ka ng tao (kung ano man applicable sa sitwasyon mo).

Ang MUTYA ay tungkol na naman sa mga sirena (na para bang hindi pa talaga tayo nagsawa) at tungkol sa isang lalaking serenang may modern name na Irvin, ika nga ni Venn.  Tungkol din ito sa kung paanong bini-blurr ang kuyukot nung maitim at matabang lalaking serena (na mas nakilala sa PBB Clash of the something Teen Edition bilang “papansin at nakakaasar na tabachoy”).  At tungkol din pala ito sa batang babaeng bida.  Gets?  ‘Yung bibo at kulot-kulot ang buhok?  ‘Yung maganda ang boses?  ‘Di mo pa rin kilala?  Ako rin.

Ang MARA CLARA ay tungkol sa nauna ng Mara Clara na pinagbidahan nina Judy Anne Santos at Gladys Reyes.  Tungkol ito sa dalawang sanggol na nagkapalit ng tandaha dahil pinagpalit sila sa ospital noong kapapanganak pa lang sa kanila (na para bang ang lenient lang talaga ng security sa ospital; ngiti nga lang sa nurse eh may bayad lately, magpalit pa kaya sanggol sa nurseryGoodluck.)  Ang pagkakaiba lang sa bagong bersyon ng Mara Clara ngayon ay ang bida sa kwento ay si Kiray at si Ms. Gina Pareño.

Ang MACHETE ay tungkol kay shirtless Aljur.  Ano pa ba?  Hmmmm.. tungkol din ito sa isang babaeng mukhang may over-cooked na ravioli sa mukha?  Hmmmmm… tungkol din ito sa Baguio?  Ewan.  Tungkol ito kay Aljur na nagiging estatwang kahoy.   Tungkol din ito kay Aljur bilang isang nabubuhay na estatwa at kung paano siya umakting na parang kahoy.  There.

Ang IMORTAL ay tungkol sa kung ano ang magiging itsura mo kapag manginginom ka at naging bampira ka (John Lloyd) o kung paanong kapag tumanda kang bampira ay lulusog ka nang todo (Jomari Yllana).  Tungkol din ito sa palakihan ng dibdib ni Angel Locsin at ni Vivian Velez bilang mga taong-lobo (werewolf, not ballons).  At siya nga pala, tungkol din ito sa mga babaeng bampira na kung hindi man naka-Lara-Croft-costume (‘yung babae sa Hayden Kho video scandal) eh naka-Sisa-costume (Nikki something na nasa Tabing-Ilog show yata.)

Ang I HEART YOU PARE ay kakaumpisa lang, so wala muna ako comment.  Ang alam ko lang, ang show na ito ay ‘yung tipong show na ‘di papanoorin ng mga bading dahil lahat ay busy na nagte-take-ng-calls o ‘di kaya ay kasalukuyang nasa yosi break at walang TV sa pantry o ‘di kaya ay nakikitira sa bahay ni Otso.  Ito rin ang show na siguradong magsasawa akong sasagot sa tanong ni Adelaida na, “Babae ba ‘yan?”

Ang KRISTINE ay sigurado ako ay tungkol sa premarital sex at malalanding babae.  Tungkol din ito sa awayan ng dalawang pamilya na sa huli ay natutuloy din sa premarital sex.  Tungkol din ito sa hubad na katawan ni Rafael Russell at ni Zanjoe Marudo.  Tungkol din ito sa kagustuhan ng mga babae sa show na ipakita ang hubad nilang katawan.

Ang THE BAKER KING ay tungkol sa isang pinasosyal na panadero.  Ito rin ay maituturing ng ilan na kapag mag-uumpisa na eh sinyales na para matulog (o ginabi yata si Mister).  At malay ko ba kung tama ‘yung dubbing na ginagawa nila tungkol sa kwento, kaya ‘di na lang ako mag-ko-comment.   Ang boses ng kumanta ng theme song nito ay parang ungol ng isang ginigilitang baka.

h1

200th Blog Entry

Enero 26, 2011

Magtatatlong taon noong umpisahan ko ang blogsite na ito.  Bagama’t hindi ko naman inasahan na may basasa (maliban sa aking iilang kaibigan), may mga naliligaw din at nadaraan at binabasa ang blogsite na ito, kahit na ba madalas ay hindi ko naman kilala (at kalimitan ay ayaw magpakilala, na animo’y stalker lang).  Ang gusto ko lang sabihin ay, ito ang aking 200th (pang-dalawang daan, wow) blog entry.

Sa aking mumunting paraan, ang blogsite na ito ang nagsilbing daan ko para magkwento ako ng kung anu-ano (madalas kagaguhan).  Siguro (at ngayon ko lang talaga napagtatanto ito, promise) eh sa pamamagitan ng aking blogsite ay para na rin akong may mga kaibigang pwedeng kwentuhan (pero hindi ibig sabihin na ito eh gusto kong maging “friendly” o magkaroon ng madaming kaibigan, utang na loob.)  Sa kabila ng aking kakulangan sa oras (o natural na katamaran minsan) sinusubukan kong maglahad ng mga kwento sa abot ng aking makakaya; ibig sabihin, kapag hindi ako nagpo-post ng bagong entry tatlong bagay lang:

– walang kwento ang nanay (o miyembro ng pamilya) ko

– hindi ako lumalabas ng bahay para makinig sa mga usapan sa jeep

– kasalukuyan akong may buwanang-trankaso

Kung mapapansin ng mga regular na bumabasa ng blogsite na ito eh madalas akong magsulat patungkol sa aking pamosong nanay na si Adelaida.  Ipinagpapasalamat ko pa rin na kahit may dalawang tao (na nuknukan sa kadaldalan) na ang nagsumbong kay Adelaida sa mga isinusulat ko eh hindi pa rin marunong mag-Internet ang nanay ko at kahit paano ay wala pa ring ideya na inilalathala ko na ang kanyang makulay na buhay sa aking blogsite.  (Kaya sa susunod, Bogs at anu mang pangalan mong asawa ng pinsan kong ‘di ko rin alam ang pangalan, ‘wag madaldal; ‘wag nagmamarunong.)

At dahil masyado na mahaba ang entry na ito, nais ko na lang magpasalamat sa mga kahit paano ay nadadaan pa at nagpapanggap pa rin na natutuwa sa aking pagsusulat.  Wala man akong pangarap na maging isang sikat na blogger, eh pinaparamdam niyo na rin naman sa akin na kailangan kong magsulat para naman – ano nga ba ‘yun? – oh, tama! Para naman hindi kayo mainip habang nasa opisina at nakikilibre ng Internet habang pinapasweldo kayo ng kanya-kanya ninyong kumpanya.  Enjoy.

Kapag umabot ako ng 300th entry, ayawan na!  Biro lang. 😀

Bilang selebrasyon sa aking 200th blog entry, samahan niyo akong magbalik-tanaw sa ilang entries (101 -199) ng aking blogsite na kung hindi man pinaghirapang isulat ay mga entries na hindi ko pa rin nakakalimutan; mga sinulat na hanggang ngayon ay aking kinagigiliwan.

(in no particular order)

USYOSO ENTRIES

Ang Lamay (December 7, 2009)

Cesarian Section Procedure (isang masusing pagtalakay) (March 25, 2010)

Ang Kare-Kare (January 17, 2010)

Walang kuryente, dude (June 20, 1010)

Eavesdropping 101 (July 4, 2010)

Mga Kwento ni Mang Berto (August 27, 2010)

Salamat, Ms. Jessica Soho (November 29, 2010)

***

“PRETEND TO CARE” ENTRIES

Vatican versus Avatar – Tulendoy of the Week (January 16, 2010)

Mga nag-su-suicide dahil nabu-bully (March 31, 2010)

Mga Taong Hayok sa Nipple ni Anne Curtis – Tulendoy of the Week (March 26, 2010)

Lahat na lang lately nagso-sorry (ang kwento sa likod ng Lupang Hinirang) (March 15, 2010)

Church Vs. Condom-distribution program ng DOH – Tulendoy of the Week (March 5, 2010)

Mga kakaibang hinaing ni Juan Dela Cruz (June 30, 2010)

Pagbabago para sa mga gago (July 4, 2010)

Ibalik ang mandatory ROTC – AFP (August 13, 2010)

Picture Picture (December 21, 2009)

Happy birthday, Dyisas! (December 24, 2009)

***

ADELAIDA, ET. AL. ENTRIES

Family Tulendoy History (the 8th Gospel According to Adelaida) (December 7, 2009)

Si Tito Masungit at ang graduation medals (March 25, 2010)

Mga Matinong Usapan (the 9th Gospel According to Adelaida) (March 4, 2010)

True Blood (hindi ‘yung TV show) (July 27, 2010)

Mga ilang tanong ni Adelaida – her 10th Gospel (July 20, 2010)

Small Talk Season 3:  Tatay ko si Hitler at marami pang usapan (December 5, 2010)

Ang Kawali (November 8, 2010)

Small Talk Season 2 – Family Edition (October 15, 2010)

Ang Tatlong Wish sa Genie ng Nanay ko (August 27, 2010)

The Adelaida TV Commentaries (The 11th Gospel) (August 6, 2010)

***

MGA NAKUNAN (not miscarriage) ENTRIES

Too Much Information (January 25, 2010) (anniversary ng entry na ito)

Kakanin To Go (or “To Stay”) (September 1, 2010)

Cam Holy Spirit, I Need you (Part 2) (July 4, 2010)

The Mohawk Dialogues (July 28, 2010)

Cam Holy Spirit, I Need you (Part 3) (July 30, 2010)

Present to Future (January 23, 2010)

***

Salamat.  Hangang sa muling pagdaan, kunwaring kaibigan. 😀

h1

Chicken, baka, bulate (Hindi ito food review)

Enero 26, 2011

Naisip ko na bago man lang matapos ang buwan na ito ay magparamdam ako sa kung may iilan pa akong natitirang mambabasa sa blogsite na ito.  Ang akin lang, kung hindi man ako naging busy at nakaligtaang lang magsulat eh wala na kayong pakialam dun.  Kayo na blogger, sige.

***

Kahit nagbago ang taon, kahit na ba paulit-ulit na pinapaalala na sa 2012 ay magugunaw na ang mundo (yeah, okay, okay, gets na namin, utang na loob.  Hooray sa mga Aztecs, sige, sila na magaling) wala pa rin naman nagbago.

Nariyan pa rin ang mga bumabiyahe sa bus papunta ng probinsya na ang ideya sa merienda ay “1-piece chicken meal” na para bang ikamamamatay nila kapag hindi sila nakakain ng kanin at manok sa loob ng may kung apat hangang anim na oras na biyahe papunta sa kung anong probinsya.

Nariyan pa rin ang pag-usbong ng mga hinayupak na pangarap ng ilan na maging singer dahil sa kaka-premiere pa lang na American Idol Season 10.   Hindi ito malala kumpara sa mga kapitbahay naming hindi ko alam paano nabiyayaan ng videoke machine na ang trip maghapon ay mag-videoke mula sa mga kanta ni Beyonce, hangang kay Sarah Geronimo hangang sa mga kanta ng Koreanong kung tutuusin ay laging tig-iisang sentence lang naman ang naiintidihan natin.  Gusto ko tuloy ipakilala sa kanila ang gamit ng telebisyon (o ang kapakipakinabang na libangang pagko-crossstitch) at nang magkaroon naman sila ng bagong libangan sa buhay.  ‘Di rin nakakatulong ang katototohanang isa man sa may anim o pitong miyembro ng pamilya ng kapitbahay namin ay hindi marunong tumama sa tono (o kumapit man lang sa dulo nito).  Sa tuwing pupunta ka sa kusina namin (tapat ng bahay ng nasabing kapitbahay), asahan mo na ang makarinig ng animo’y mga nag-uungulang baka o ‘di kaya mga batang animo’y nilulunod sa Nile River noong panahon ni Ramses I.

Nariyan pa rin ang mga nakakailang na pagkakataong makakasalubong mo ang iyong kaklase noong hayskul at ganito ang iyong magiging usapan:

Kaklase 1:  Oh, hi.  Musta na? Long time, no see. (Nakakatawang obserbasyon, kung ako tatanungin)

Rai:  (Ngiti lang.)

Kaklase 1:  Kailan tayo magre-reunion?

Rai:  Nakow, hindi ko alam.  Ano nga ulet pangalan mo?

Kaklase 1:  Ito naming si Rai makakalimutin talaga.  Ako si *insert name here*

Rai:  Ganun talaga eh. (Gusto na umalis)

Kaklase 1:  So, saan ka galing niyan?

Rai:  Nagbayad ng bills.

Kaklase 1:  Eh san ka nagtatrabaho?  May anak ka na ba? I mean, nag-asawa ka na ba?  Alam mo ba si *insert Kaklase 2 name here*, nag-asawa na.  Actually, pangatlo na niyang anak –

Rai:  Actually, wala akong trabaho.  Mayaman na kasi parents ko, kaya ayaw nila ako maghanap ng trabaho.  O sige ah, susunduin ko pa yung anak ko, grade 1 na siya.  Bye.

(Tapos nagtataka ako bakit wala ako masyado kaibigan noon at ngayon.)

Nariyan pa rin ang mga nakakatuwa at nakaka-tumbling na hirit ng aking pamosong nanay na si Adelaida gaya ng mga sumusunod:

Dinner time at kakabili lang ng bagong dresser.

Rai:  Ma, ano ulam?

Adelaida:  Nakow, kahit hindi na ako kumain; busog na ako kahit titigan ko lang ‘tong bago kong dresser. (Umupo sa tapat ng dresser at nagsuklay)

May nakitang lolo na kalalabas lang ng ospital.

Adelaida:  Nakow, si lolo, isang bulate na lang ‘di pumipirma.

Rai:  Pumipirma saan?

Adelaida:  Para kunin na siya ni Lord.

Rai:  Ma…

Adelaida:  Totoo naman.

***

Abangan ang aking susunod na blog post: My 200th blog entry.