Archive for the ‘street sungka tour’ Category

h1

Street Sungka

Hunyo 1, 2008

Bago ang lahat: SA LAHAT NG NAGSASABING “MALAS” ANG MAY SUNGKA SA BAHAY, UTANG NA LOOB, IT’S A FREAKIN’ KAHOY! HOW CAN IT BE “MALAS”? AND WHY AM I SOOOOO “MAARTWI”? lolz

***

Pauwi mula sa trabaho, nakasukbit ay malaking bitak ng Cadbury. lolz

***

Matagal ko na sinasabi na ang larong sungka ay masyadong underrated. Hindi naman ako tipong nagagalit kapag hindi marunong magsungka ang isang tao. Eh ano magagawa ko, eh sa kung hindi talaga marunong mag-sungka? Dahil isa akong promotor ng kagaguhan at mga kawirduhan sa opisina man o sa mga kaibigan, naisipan kong ilunsad ang tawagin nating “Street Sungka.” Para maisakutaparan ito, kailangan ko ang tulong ng aking mapagkakatiwalaang si Carlos, the sungka.

Naaalala niyo pa ba si Carlos?

From Top 10 Cliché Baguio Pasalubongs

8. SUNGKA – Ah dito, wala akong pakialam sa mga opinyon ninyo. Mahal ko ang sungka. Sa katunayan, binili ko ang sungkang ‘yan na papangalanan na lang nating si “Carlos, the Sungka.” Sa halagang 90 pesos. Nabili ko si Carlos habang nag-aabang kami ng taxi pauwi. Lahat ng tao ay dapat may sungka. (Huh?) Wala itong baterya, wala itong complicated na parts na kailangan ituglong-tuglong. Sungka ito. Period.

***

At dahil nga talagang pinangangatawanan ko na na ako ang Sungkamaster, kamakailan (sa tulong ng aking mabait na Boss) ay niregaluhan ako ng custom-made casing para kay Carlos.

Ang nakakatuwa nito ay parang mas mahal pa ang casing ni Carlos kaysa sa kung magkano ko nabili si Carlos.

Dahil sa ineragelong casing, maari na akong mag-sungka kahit saan.

Mag-uumpisa ang Street Sungka Tour namin ni Carlos, the sungka, sa mga sumusunod na target kong location:

1. Starbucks (Tarbaks)

2. Malate

3. Pampasaherong jeepney

4. Bus habang binabagtas ang NLEX

5. Isang sosyal-soysalang restaurant

6. Kahit saang simbahan

7. Kahit saan basta pwedeng tabihan ‘yung mga naglalaro ng dama o chess (basta hindi mabubugbog)

Advertisements